4,988 guests

Alden, mas maarte pa raw kay Maine?

  • Written by Joey Aquino
  • Published in Showbiz
  • Read: 2714
Maine Mendoza and Alden Richards Maine Mendoza and Alden Richards

MAINE Mendoza is as pure as her heart.

Sa kabila ng kanyang kasikatan, mukhang 'di lumalaki ang ulo ng Dubsmash Queen. Walang kaartehan sa katawan. Walang star complex, 'ika nga.

Kitang-kita naman ito sa kanyang pakikitungo sa mga taong nasusugod bahay nila nina Jose Manalo, Paolo Ballesteros at Wally Bayola. Maging ang pagkain ng street food, hindi siya nandidiri. It's not just for show. Mukhang mas maarte pa nga raw sa kanya si Alden Richards, obserbasyon ng isa sa aming kasambahay. Lalong napatunayan ni Maine kung gaano siya ka-natural nang mag-taong grasa siya sa Challenge Accepted segment ng Eat Bulaga. She convincingly internalized the character.

Hanggang ngayon, hindi niya iniiba ang kanyang style. Sabi nga niya, magpapakatotoo lang siya. Kung ganun, totoo rin ba ang pagmamahal na ipinapakita ni Maine kay Alden? Just asking...

BELA, NGINITIAN NA NI LADY LUCK

BELA Padilla has a lot to offer.
   
Hindi lang pala acting ang kaya niyang ipagmalaki. Pati pala sa pagsusulat, may ibubuga rin ang aktres. Balitang siya ang magsusulat sa screenplay ng pelikula nila ni Bea Alonzo na ipuprodyus ng Star Cinema.
   
Napapansin na ang kanyang husay sa pag-arte mula nang bumalik siya sa pagiging Kapamilya. She even scored her best actress trophy for her role as Carmen in the hit teleserye Ang Probinsyano in the recently-concluded academe-based 6th Eduk Circle Awards. Napuri din ang kanyang acting sa ‘Camp Sawi.’ At ngayon, mukhang aani rin ng papuri ang aktres sa kanyang indie film na I America, na palabas ngayon sa mga sinehan, lalupa’t Rated A ito ng Cinema Evaluation Board.
   
Will Bela be the front-runner in next year's acting awards? Just asking...

PAULEEN, HATE NG ‘ALDUB FANS’?

PAULEEN Luna-Sotto is a picture of happy wife.
   
Kitang-kita naman ito sa kanyang aura. Tanging exposure niya ngayon ay ang hosting stint niya sa Eat Bulaga. Halos libangan na lang niya ito dahil hindi na niya kailangang magtrabaho pa. Kaya walang pressure.
   
Pero sa kabila ng kanyang pananahimik, hindi pa rin pala siya exempted sa bashing. Ironically, the fans of her co-hosts Alden Richards and Maine Mendoza are said to be bashing her. Diumano'y pinaplastik lang daw niya ang AlDub. Maging ang kanyang pagngiti sa kilig moments ng AlDub ay binibigyan nila ng malisya. Grabe naman ang ibang fans. Pero mukhang 'di naman apektado ang misis ni Bossing Vic Sotto. Dahil diumano'y hindi naman totoong AlDub fans ang mga nagba-bash sa kanya.
   
Dahil sa pamba-bash sa kanya, hindi kaya patigilin ni Bossing itong si Pauleen sa paghu-host niya sa EB? Just asking...

Disclaimer:

Sa diwa ng malayang pamamahayag, malaya rin ang sino man o concerned parties na tinutukoy o nasusulat sa kolum naito para sa anumang paglilinaw o karagdagang komento at reaksyon. Mangyaring makipag-ugnayan lamang sa Just Asking thru 09179256177 or email us at This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.