4,522 guests

Magsasakang nag-away sa usapin sa Kongreso, nagtagaan, isa utas

  • Written by Gil Aman
  • Published in Provincial
  • Read: 200

Patay ang isang magsasaka nang pagtulu-ngang hatawin ng taga sa ulo at ibat ibang bahagi ng katawan ng dalawang magkapatid na kapwa inabot ng taga ng biktima matapos mauwi ang masayang inuman sa pagtatalo sa Bgy. Wawa, Lumban, Laguna, Biyernes ng gabi.

Kinilala ni Acting Laguna police director Senior Supt. Joel C. Pernito ang biktima na si Florinio Mesias, 36, ng nasabing barangay.

Si Mesias ay dead on the spot bunsod ng malalalim na taga sa kanyang katawan.

Kasalukuyang ginagamot sa Laguna Provincial Hospital ang magkapatid, na kinilalang sina Martin 36, at Manuel Baloloy, 50, sa inabot na hataw sa katawan ng biktima bago malagutan ng hininga.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Lumban police, dakong alas-8:30 ng gabi, ang tatlo umano ay masa-yang nag-iinuman matapos ang kanilang pagtatrabaho sa bukid. Subalit dahil sa marami nang nai-nom ay nagkaroon ng pagtatalo hinggil sa usaping nagaganap sa Senado at Kongreso.
   
Ang pagtatalo, ayon sa pulisya, ay humantong sa matinding away hanggang sa maghamunan ng tagaan ang dalawa na kapwa may nakasukbit pang mga itak sa kanilang baywang.
   
Dahil sa pangyayari ay agad namang sinaklolohan ang kanyang kapatid at pinagtulungan hatawin ng taga ang nasawing biktima. Samantala, ang magkapatid ay nakatakdang sampahan ng kaso ng pulisya.               Gil Aman