6,579 guests

Mas pinadaling pagbabayad ng water bills sa Clark Water

  • Written by People's Tonight
  • Published in Provincial
  • Read: 211

MAS madali na ngayong magbayag ng bill ng tubig ng Clark Water matapos madagdagan ng mas marami pang payment facilities tulad ng RCBC, Metrobank, Union Bank, SM Clark at ECPay ng 7eleven.

Ngayon, ang mga customers ng Clark Water ay maaari nang magbayad ng kanilang buwanang bill kahit saan, maging sa loob ng kanilang tahanan, sa pamamagitan ng online payment facility ng mga nasabing bangko o sa pamamagitan ng pagbisita sa pinakamalapit na sangay ng mga ito.
   
Noon, kinakailangan pang magbyahe ng mga customer papunta sa opisina ng Clark Water o sa SM Clark Payment Center na kadalasan ay mahahaba ang pila ng bayaran.
   
Ito rin ang nagiging dahilan kung bakit marami ang hindi nakapagbabayad sa takdang panahon.