5,503 guests

Fans, ’di mabibitin kay Alden

  • Written by Jun Nardo
  • Published in Showbiz
  • Read: 503

HINDI na drawing ang pagsulpot ng character ni Alden Richards sa Encantadia. Bukas na lalantad ang character niyang Mulawin bilang si Lakan.

Ilang linggo rin ang tiniis ng fans ng Pambansang Bae sa pagpasok ng idolo sa GMA telefantasya. Pawang bitin kasi ang pag-labas ng kanyang character. Siyempre, gusto nilang masilayan ang dating ni Alden bilang Mulawin, huh!

’Yun nga lang, wala pang ibang detalye sa role ni Alden. Sa mundo ng mga tao ang una niyang lapag. Kanyang ililigtas sa isang kapahamakan sina Danaya (Sanya Lopez) at Lira (Mikee Quintos) at kapwa niya dadalhin sa Encantadia.
   
Kilalanin ang misteryosong bumabalot sa katauhan ni Lakan ngayong linggo sa Encantadia. At magbubunyi na naman ang mga basher ng aktor na siguradong tututok kay Alden lalo na pagdating sa suot na costume!

* * *

EKSAHERADA naman ’yung tweet na aming nabasa tungkol sa pila sa sinehan ng isang movie. Ang haba ng pila ay hanggang entrance daw ng mall, huh!
   
Ibig sabihin, hanggang baba? Eh, madalas na nasa mas mataas na floor ang lokasyon ng sinehan, huh! Kaya grabeng ilusyon na ’yan, huh!
   
Tapos na ang era ng TV show na Hoy, Gising! Kaya dapat nang gisingin sa katotohanan ang mga taong nagsasabing super blockbuster ang movie ng isang loveteam, huh!

* * *

SO, buntis na nga si Rufa Mae Quinto. Better late than never, huh!
   
Ang boyfriend ni P-Chi na si Trevor Magallanes ang ama ng magiging anak. Nakilala niya ito sa bakasyon niya sa Amerika nu’ng December 2015.

Mas nauna ngang mabuntis si Rufa Mae kesa makasal. Kasi noon, pre-nup fotos nila na inilabas niya sa social media account niya. Pero biglang nawala ang mga post niya tungkol dito.
   
’Yung pagiging buntis na ang bagong post ni Rufa Mae, huh!