8,310 guests

Saludo!

  • Written by Jun Nardo
  • Published in Showbiz
  • Read: 466

Album ni Alden 8X platinum na!

SUMALUDO sina Megan Young at Wynwyn Marquez sa magandang ugali ni Maine Mendoza nang makaharap nila sa Eat Bulaga last Saturday.

Isa sa contestants si Wyn sa Tanggong Grasa challenge habang judge naman si Megan sa Musical  Hero.

Eh, nakatanggap ng magagandang comments si Wyn mula sa AlDub Nation dahil sa performance  niya. Bilang ganti, naglabas ng  komento si Wyn sa Twitter account niya ng, “Thank you sa mga comments niyo kahapon! It’s true walang kaarte-arte si Maine. I also wish na makatrabaho ko sila someday.”
   
Sweet person naman ang deskripsyon ni Megan sa unang pagkikita nila ni Maine.  May kuha nga sila sa Broadway backstage kung saan taong grasa ang dating ni Meng. Sa Instagram post ni Megan, “Told her we would take a picture next time when she wasn’t in costume but @mainedcm insisted. Siya na ang nauna sa beauty queen aura. Nice meeting you, Maine!”
   
Pumapel nga bilang taong grasa si Maine. Nag-ikot sa ilang kalye at walang nakakilala sa kanya. Pero may dalawang tindero na nagbigay ng pagkain sa kanya at bibigyan niya ng pabuya ang dalawang taong ’yon na may mabuting kalooban.
   
Kahanga-hanga ang lakas ng loob ni Maine sa edition na ’yon ng Bulaga, huh!

* * *

GINAWARAN ng 8X Platinum Award ang album ni Alden Richards na nagpasikat ng kantang Wish I May.
   
Isinabay ang award niya matapos kantahin ng Pambasang Bae ang single na Rescue Me mula sa second album niya under GMA Records sa Sunday PinaSaya kahapon.
   
Nagpakilig si Alden nang tanungin ni Jerald Napoles kung sino ang gusto niyang i-rescue. Tugon ng Kapuso actor, “Nasa nanonood siya!” na si Maine Mendoza siyempre ang pinatutungkulan.
   
Inihayag din  ni Alden na papasok na ang character niya sa Encantadia bilang isang Mulawin.

* * *

NAGSIMULA nang magsyuting si Direk Jason Paul Laxamana ng second movie niya sa Regal Entertainment, ang Pwera Usog.  Unang ginawa niya sa Regal ang Love Is Blind na isa sa biggest hit local movies this year.
   
Ang mga bida rito ay sina Joseph Marco, Sofia Andres, Devon Seron at Eula Valdez. Horror film ito na bale launching pic din ni Devon bilang lead star.
   
Ang isa pang movie na sisimulan ng Regal ay ang Recipe For Love na pagbibidahan nina Billy Crawford at Megan Young.
   
At least, hindi drawing ang pagbibida ni Devon sa movie, huh!