9,762 guests

Kris, grabe ang pamba-bash

  • Written by Nitz Miralles
  • Published in Showbiz
  • Read: 317

Megan, ’di insecure kay Andrea Torres

Nakabalik na ng Manila si Kris Aquino mula sa short vacation nila nina Josh at Bimby sa Tokyo at sa kanyang pagbabalik, back to work na siya.  Nabanggit na ni Kris na magre-resume siya ng taping sa September 22, ibig sabihin, nakapag-taping na siya. Kung anong show ito, hintayin na lang nating mag-airing na ang show.

Marami raw shows na gagawin si Kris at itutuloy ’yung unang napag-usapan nila ng APT Entertainment na digital show. Kaya tama ang sinabi nitong magiging busy siya hanggang Christmas.
   
Nalulungkot siguro si Kris na dahil sa pag-alis niya sa ABS-CBN, nakakaranas siya ng grabeng bashing at isa na ang chapter sa buhay niya ngayon na grabe ang pambaba-bash sa kanya. I-tsek mo naman ang mga namba-bash, karamihan mema o memasabi lang at hindi alam ang buong istorya.

* * *

Natupad ang pangarap ni Alden Richards na mapabilang sa cast ng Encantadia na dream lang niya dati dahil lalabas ang karakter niyang si Lakan, isang Mulawin. Nagkagulo ang fans ng aktor nang mapanood ang teaser ng fantaserye na ipinakita siyang naglalakad hanggang mag-transform at maging Mulawin.
   
Noong 2012 pa lang nang unang mabalitang ire-remake ng GMA-7 ang fantaserye, nag-tweet na si Alden kay Direk Mark Reyes ng “@direkmark sali ako direk kahit one of the soldiers lang hahaha #childhooddream #Enca2012.”
   
Natupad ang pangarap ni Alden at sumobra pa dahil hindi lang sundalo ang role niya, siya si Lakan na tutu-long sa mga Sang’gre na makipaglaban. Tama ba kaming sasabak sa action scenes si Alden na isa rin niyang pangarap gawin?
   
Guest lang daw si Alden, pero mahaba ang exposure niya dahil three weeks daw ang karakter niya sa fantaserye at ang balita pa namin, magsa-sama pa sila ni Miguel Tanfelix na sabi, babalik sa Encantadia.
   
Sa Encantadia, buhay si Amihan (Kylie Padilla) at makakatakas dahil sa brilyante ng metal. Sabi ni Cassiopeia (Solenn Heus-saff) ang brilyante ng metal ay kapiraso ng pinaghating element ng apoy at lupa, kaya isa itong tingga at malakas ang powers. Ipahahabol ni Hagorn si Amihan at ang bata sa mga mababangis na dragon.

* * *

Activated na nga uli ang Instagram (IG) ni Tom Rodriguez, pero hindi na nito ibinalik i-post ang pictures nila ni Lovi Poe na promo sa drama series niyang Someone To Watch Over Me. Lalo na ’yung BTS at video nila ni Lovi na may kissing scene at sweet moments, tuluyan na niyang dinelete.
   
Na-bash kasi sina Tom at Lovi ng ilang selosang fans nina Tom at Carla Abellana dahil sa pagpo-post ng sexy photos at video na kuha sa Someone To Watch Over Me. Kahit sinabi ni Carla na naintindihan niya kung bakit pinost nina Tom at Carla ang mga sexy photos ng dalawa, hindi pa rin nagpaawat ang ilang fans.

Kaya para matigil na lang ang isyu, isinara pansamantala ni Tom ang IG niya at pagbalik, wala na ang pictures nila ni Lovi. Pero si Lovi, hindi pa rin inaalis sa social media account niya ang photos nila ni Tom sa drama series. 
   
Anyway, gabi-gabing pinapaiyak nina Tom at Lovi ang viewers sa mga eksena nila sa Someone To Watch Over Me at lalo pa silang iiyak sa mga darating na eksena.
   
Malalaman na ni TJ (Tom) na mayroon siyang early onset Alzheimer’s disease at hindi nito tatanggapin ang diagnosis sa kanya ng doctor. Ano ang magiging reaction ni Joanna (Lovi) sa sakit ng asawa?

* * *

Pinagbigyan nina Megan Young at Andrea Torres ang request ng mga reporter sa presscon ng Alyas Robin Hood na magtabi silang dalawa sa pictorial at magpaistaran. Maganda lumabas ang pictorial ng dalawa lalo na ’yung parehong nakataas ang mga kilay at nagpagandahan ng pose.
   
Si Megan bilang si Sarri Acosta, ang leading lady ni Dingdong Dantes sa action series na pilot na this Monday pagkatapos ng Encantadia.  Si Andrea bilang si Venus, ang isa sa magte-train kay Dingdong at magkakagusto sa kanya.
   
Paseksihan at pabonggahan sa kani-kanyang eksena ang dalawa at pareho silang nag-two piece swimsuit, expect na pag-awayin sila ng viewers. Pero sabi ni Megan, wala silang competition ni Andrea.
   
“Wala kaming kung anong negative ni Andrea. Hindi ako nagseselos dahil ka-love team siya ni Mikael (Daez, her BF). Hindi rin ako insecure because if you’re secured, hindi ka dapat ma-insecure. Saka, matagal na kaming friends,” sabi ni Megan.