73,969 guests

From Dennis to Aljur, a dream-come-true for Direk Gil Portes

  • Written by Remy Umerez
  • Published in Showbiz
  • Read: 179

SA presscon ng Hermano Puli where director Gil Portes celebrated his 71st birthday, nabanggit niya ang katuparan ng isa sa  kanyang bucket list. He is referring to his long time dream na isapelikula ang buhay ni Hermano Puli, isang unsung hero from Quezon province where the director hails.

Ang naging main problem kung bakit hindi agad natuloy ang project ay lack of investors to finance the film. Maraming kilalang taong nilapitan si direk Portes at maging si Aljur Abrenica who plays the title role ay tumulong sa paghahanap ng financier but there were no takers. Dahil kaya it is a period movie and the fear na baka hindi ito kagatin ng publiko?

May isang producer na pumayag isapelikula ito pero sa isang kundisyon: gusto nitong ang gawing bida ay si Dennis Trillo at kailangan ay well-plugged ang alak in ini-endorso ng aktor. But Portes had a problem dahil wala pa noong panahon ni Puli ang naturang brand ng alak.

Then from out of nowhere ay na-meet nila ang negosyante and owner of 77 Limbaga Restaurant. Ang wika ni T-Rex, he was deeply moved by the inspiring story of Hermano Puli.
   
History tells us na maka-Diyos si Apolinario dela Cruz o Hermano Puli na hangad maging isang pari pero nabigo. Dito siya nagpasiyang itatag ang Cofradia de San Jose, isang kapatiran in search of religious freedom. Kalaunan ay inakusahan siya bilang isang heretic and was sentenced to death by the Spanish colonial government.
   
To ensure the success of Hermano Puli sa takilya (and hopefully become a big winner tulad ng Heneral Luna), the producer is also promoting the film via social media. Naka-post sa Facebook page ang  movie trailer ng pelikula. They had campus tours showing excerpts mula sa pelikula. Ang theme song entitled Alamat ng bandang Let Gravity is gaining airplay.
   
Samantala, marami ang nagsabing malaki ang improvement ni Aljur sa pag-arte. Noon kasi, he was just regarded simply bilang hunk.

ANTHONY PRESENTS DUTERTE A SONG OF GRATITUDE

“PRESIDENT Duterte, thank you for loving the Philippines”.
   
Ito ang personal na sinabi  ni Anthony Castelo nang dalawin niya ang Pangulo sa Davao City recently. A visibly moved President replies, “Yan naman ang ipinangako ko sa inyo. Handa akong ibigay ang buhay ko para sa bansa”.
   
Castelo presented a CD copy of his gift of song entitled “Ang Bagong Pilipino” to the President. “President Duterte’s deep love for the Philippines says it all…it’s the inspiration for his entire program of government. I believe, the President sees the country as his own home and its citizens, members of his own family whom he has sworn to defend at all cost- even at the expense of his own life.” pahayag ng beteranong singer in an inbterview.
   
Sinusuportahan ng singer/composer ang laban against illegal drugs, corruption and other forms of criminality. Likewise, Castelo supports the unwavering stand for the rightful burial of former President Marcos at the Libingan ng mga Bayani. Na hindi namin ipinagtataka dahil like Imelda Papin, he is a Marcos loyalist.
   
By the way, wala bang balak lumikha ng love song si Castelo para kay

Senadora Leila de Lima?