4,651 guests

Mga 'alaga' ni Coco, umaariba

  • Written by Joey Aquino
  • Published in Showbiz
  • Read: 882
Simon Pineda, McNeal Briguela and Pepe Herrera Simon Pineda, McNeal Briguela and Pepe Herrera

sa pagiging talent o ekstra itong si Coco Martin.

Kaya alam niya kung paano ang hirap ng mga talent na gustong  sumikatsa showbiz. Hindi nakapagtataka kung ganun  na lamang ang suportang ibinibigay niya sa mga alaga niya nakasama niyang bumibida sa Ang Probinsyano ngayon.

Simon Pineda. Siya si Onyok sa nasabing teleserye, na pinauso ang linyang "Hay Naku" at "Aaaayus!" Nadiskubre angbatang ito sa pagiging contestant sa Mini-Me ng It's Showtime bilang mini-me ni Bamboo. Nakagiliwan siya ni Coco sa  harap at likod ng camera. Kaya naman click na click ang tambalan nilang Cardyok.

McNeal Briguela. Una siyang sumikat sa internet sa kanyang pag-aawra kaya siya tinawag na Awra.. Dahil natural ang galing niya sa pag-arte, nabigyan ng pagkakataon na mag-guest sa teleserye. Noong una, guest lang siya sa special episode week. Pero dahil maraming viewers ang naaliw sa kanyang karakter bilang Makmak na may crush kay Cardo, naging mainstay na rin siya. Maging si Coco naaliw na rin kay Awra. Ipinagpapasalamat ng bata ang pagiging mabait ng actor sa kanya.

Pepe Herrera. Bilang si Benny sa teleserye, patok ang kanyang pagiging sidekick ni Cardo. Nakakatawa na nakakainis ang kanyang karakter dito dahil na rin mismo sa kanyang itsura. Sabi nga ni Coco, character daw ang personalidad ni Pepe kaya niya ito isinama sa programa. Pero sa totoong buhay, matindi ang credentials nito. Dahil graduate siya sa Conservatory of Music sa UST. At pagdating sa bosesan, bidang-bida ang kanyang talent sa pagkanta.
   
Dahil kay Coco, nakilala at nagkaroon ng career sa showbiz ang tatlo. Pero higit silang kilala sa kanilang mga karakter bilang Onyok, Makmak at Benny.
   
Gayunpaman, mukhang mas tumatatak na sila sa mga fans bilang mga alaga ni Coco.
   
Tatak ni Coco ang pagiging matulungin at mapagmahal. Ito rin ba ang tumatatak sa puso ni Julia Montes ngayon? Just asking...

PBB MEANS PABEBE?

MGA pabebe na raw ang mga teen housemates sa Pinoy Big Brother Lucky 7 Season.
   
Ito ang mga nabasa naming reaksyon ng mga netizen. Kaya naman sinilip namin  ang ilang episodes ng nasabing reality show. At heto ang aming obserbasyon:
   
1. Sobrang O.A nung Maymay na nagpupumilit maging Melai Cantiveros. Hindi siya nakakatuwa; lalong 'di nakakatawa.
   
2. Flirting is seemingly their language. Nakakaalarma ang pagiging "touchy" nila sa isa't isa. Gaya na lamang sa napanood kong lambingan nina Vivore at Marco. Good thing, Big Brother stepped in and told them to refrain from being touchy.
   
3. Scripted ang kanilang galaw. Alam nila kung ano ang ikikilos nila sa loob ng bahay ni Kuya. May idea na kasi sila dahil familiar na rin sila sa mechanics ng programa.
   
Maliban sa mga write up na nababasa ko tungkol sa PBB, mukhang dedma na ang mga netizen sa mga housemate ni Big Brother. Pero taliwas ito sa nababasa ko rin na mataas ang rating at trending daw. Kung ganun, bakit manipis ang commercial load nito? Just asking...

Disclaimer:

Sa diwa ng malayang pamamahayag, malaya rin ang sino man o concerned parties na tinutukoy o nasusulat sa kolum na ito para sa anumang paglilinaw o karagdagang komento at reaksyon. Mangyaring makipag-ugnayan lamang saJust Asking thru 09179256177 or email us at This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.