4,673 guests

Mother Lily, ayaw sumuko

  • Written by Aster Amoyo
  • Published in Showbiz
  • Read: 695
Mother Lily Monteverde Mother Lily Monteverde

KUNG matagal nang hindi aktibo ang ibang local movie producers tulad ng Sampaguita Pictures, LVN Pictures, Premiere Productions, Tower Productions, FPJ Productions, RVQ Productions, J.E. Productions, Lea Productions at  napakarami pang iba, ang Regal Films ng Regal matriarch na si Mother Lily Monteverde ay patuloy pa rin sa pagpu-produce ng mga pelikula hanggang ngayon.

Regal Films started in 1962 at nagsimula sa pagdi-distribute ng mga foreign films at kasama na rito ang pelikulang “That Man From Istanbul”.

Nang maging successful ang pagiging foreign distributor ng Regal Films ni Mother Lily, pinasok naman niya ang pagpu-produce ng local films in 1976 na kanyang sinimulan sa pelikulang “Kayod sa Umaga, Kayod Sa Gabi” na dinirek ni Luciano ‘Chaning’ Carlos at tinampukan nina Gina Pareno, Elizabeth Oropesa, Orestes Ojeda at Ronaldo Valdez.  Agad isinunod dito ni Mother Lily ang “Walang Karanasan” na siyang naging launching movie sa Regal ni Alma Moreno kasama si Eddie Garcia at ang yumaong actor na si George Estregan.  Ito’y dinirek ni Arsenio Bautista.  Si Alma bale ang kauna-unahang contract star ng Regal Films.

Ang Regal Films din ang nagbigay ng break sa maraming sumikat na artista noon tulad nina Gabby Concepcion, Maricel Soriano, Snooky Serna, Dina Bonnevie, Alfie Anido, Ruffa Gutierrez, William Martinez, Albert Martinez, Zoren Legaspi at napakarami pang iba na tinaguriang Regal Babies.

Halos lahat ng mahuhusay na director ng bansa ay nakapag-direk ng pelikula sa Regal tulad nina Lino Brocka, Ishmael Bernal, Marilou Diaz-Abaya, Elwood Perez to name a few.
   
Nang bumagsak ang local film industry simula nung 1997, halos si Mother Lily na lamang (bukod sa Star Cinema at ilang movie producers) ang patuloy sa pagpu-produce ng pelikula.  Hindi pa uso noon ang mga indie movies ay si Mother Lily na ang nagpa-uso ng mga low-budgeted films na tinawag noon na `pito-pito’ na ginagawa lamang sa pitong shooting days.
   
In her more than five decades sa movie industry, Mother Lily’s Regal Films has no plans of stopping production dahil hanggang ngayon ay napaka-aktibo pa rin ng Regal Films sa pagpu-produce ng pelikula at pagbibigay ng break sa mga bagong talents.  Gayunman, unti-unti na ring ipinapasa ni Mother Lily ang kanyang korona at expertise sa isa sa kanyang mga anak na si Roselle Monteverde na siyang ka-tandem niya ngayon sa pagpu-produce ng pelikula.
   
Sa taong ito, nakailang-movies na rin ang Regal Films na ang pinaka-latest ay ang romance-comedy movie na “My Rebound Girl” na pinagbibidahan nina Alex Gonzaga at Joseph Marco mula sa direksiyon ni Emmanuel de la Cruz.  The movie is intended for a September 28 release.
   
Ang “My Rebound Girl” ay isa lamang sa pitong upcoming movies ng Regal Films sa taong ito at kasama na rito ang “The Escort” na dinirek ni Enzo Williams at tinatampukan nina Derek Ramsay, Lovi Poe at Christopher de Leon.  Nariyan din ang “Once In  A Lifetime” na pinagbibidahan nina Piolo Pascual at Yen Santos, ang “Our Mighty Yaya” na dinirek ni Jose Javier Reyes at tinatampukan nina Ai-Ai de las Alas, Megan Young, Zoren Legaspi, Sofia Andres, Allyson McBride, Lucas Enrique at iba pa.  Nariyan din ang follow-up movie ni Angeline Quinto na “Never Been Touched, Never Been Kissed” na pinamamahalaan ni Joel Lamangan at kung saan din tampok sina Miho Nishida at Jake Cuenca.  Naka-linya naman sa darating na Metro Manila Film Festival ang “Mano Po 7: Tsinoy”  na pinagbibidahan nina Richard Yap, Janella Salvador at Enchong Dee.  Nariyan din ang “Shake, Rattle & Roll 16” na tinatampukan naman ni Liza Soberano, Juancho Trivino, Miles Ocampo, Ella Cruz, Francis Magundayao at iba pa.
   
Bago ang “My Rebound Girl” ay una nang ipinalabas this year ang “Love is Blind” nina Derek Ramsay, Solenn Heussaff at Kiray Celis na dinirek ni Jason Paul Laxamana, ang “I Love You To Death” nina Kiray Celis at Enchong Dee  na dinirek ni Miko Livelo at ang pelikulang “That Thing Called Tanga Na” na dinirek ni Joel Lamangan at tinampukan nina Eric Quizon, Billy Crawford, Angeline Quinto at iba pa.
   
“Hangga’t malakas pa ako at kaya ko pa, Regal Films will continue to produce movies,” deklara ni Mother Lily who turned 77 in her recent birthday, August 19.

RARE TEAM UP SA 'MAGPAHANGGANG WAKAS'

MAGTATAPOS na ngayong araw ng Biyernes (September 16) ang seryeng “Born for You” na tinatampukan ng tambalan nina Elmo Magalona at Janella Salvador at ito’y papalitan ng bagong serye, ang “Mapahanggang Wakas” na pinagbibidahan naman ng bagong tambalan nina Jericho Rosales at Arci Munoz kasama sina John Estrada at Gelli de Belen.  Ang nasabing serye ay magsisimulang mapanood sa darating na Lunes, September 19 pagkatapos ng “Till I Met You” nina James Reid at Nadine Lustre.
   
Si Jericho ay huling napanood sa isang primetime teleserye na “Bridges of Love” habang si Arci  naman sa panghapong serye, ang local adaptation ng Latin American series na “Pasion de Amor”.
   
Ang “Magpahanggang Wakas” ay isa sa rare team-up ng (dating) mag-brother-in-law na sina John Estrada at Gelli de Belen.
   
Of course, everybody knows na si John ay ex-husband ng nakatatandang kapatid ni Gelli na si Janice de Belen.  There was also a time na nagtambal din sa isang serye ang husband ni Gelli na si Ariel Rivera at kapatid niyang si Janice bilang mag-asawa.  Since pare-pareho silang professional actors, hindi ito issue sa kanila.
   
Ngayon nga ay magkatrabaho sina Janice de Belen at present wife ni John Estrada na si Priscella Meirelles sa morning TV series na “Be My Lady” na pinagbibidahan naman ng real sweethearts na sina Erich Gonzales at Daniel Matsunaga.
   
Bukod kina Jericho at Arci, ang “Magpahanggang Wakas” ay tinatampukan din nina Rita Avila, Danita Paner, Liza Lorena, Lito Pimentel, Justin Cuyugan, Marco Gumabao, Maika Rivera at Jomari Angeles.

CELEBRITIES, MAGBIBIGAY-PUGAY SA MGA GURO

SA ikasiyam na taong ng “Gabay Guro” ng PLDT-Smart Foundation, umabot na ng 1,100 scholars  in various state colleges and universities sa buong Pilipinas ang patuloy na sinusuportahan ng foundation with 300 LET passers, 496 active scholars and a projected 167 graduates in 2017.  One hundred thirty seven sa mga scholars ay nagtapos with honors – 112 cum laudes at 25 magna cum laudes.
   
Ang Gabay Guro ay patuloy na nakikipag-alyansa sa local government units para lalong mapalawak ang teacher education sa buong Pilipinas sa pamamagitan ng continued trainings na umabot na sa 16,000 teachers sa loob ng siyam na taon ng foundation.
   
Nakapag-donate na rin ang Gabay Guro ng mahigit 40 classrooms sa iba’t ibang lugar na nakaranas ng mga kalamidad tulad ng Leyte, Bohol, Cebu at Capiz.
   
Ngayong September 25 (Sunday), ang ika-siyam na taon ng Gabay Guro ay muling magbibigay-pugay sa mga guro sa pamamagitan ng isang star-studded event na gaganapan sa SM MOA Arena na tatampukan ng pinakamalalaki at pinakamaiinit na celebrities ng bansa tulad ng mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez, Gary Valenciano, Pops Fernandez, James Reid, Nadine Lustre, Lea Salonga, megastar Sharon Cuneta at marami pang iba.  Ito’y exclusive event for teachers only.  Admission is free.
   
Ipapa-raffle din sa mga teachers ang isang house and lot courtesy ng Perry’s Group of Companies, ang Gratour Van mula sa Foton, Honda and Suzuki motorcycles mula naman sa  Motorlanda at napakarami pang ibang malalaking pa-premyo.