55,541 guests

Daniel nanlalata sa preem, Kathryn aligagang-aligaga

  • Written by NEL ALEJANDRINO
  • Published in Showbiz
  • Read: 290

LIZA Diño was escorted by her “husband,” former child actress Aiza Seguerra, when she attended the premiere screening of Barcelona: A Love Untold sa Megamall last Tuesday.

Aiza was also with Liza when she joined fellow members of the BALU cast sa Racks, Ortigas, for the after-screening party organized by producer Star Cinema.

The party was attended by Star Cinema managing director Malou Santos and Direk Olive “Inang” Lamasan as well.

Actually, ’di namin namataan ang lahat ng cast sa party. Obvious ang absence ni Aiko Melendez, na seksing-seksi sa kanyang role (yes, sobra ang ipinayat niya) bilang auntie ni Daniel Padilla.
   
Daniel topbills the movie with perennial screen partner Kathryn Bernardo.
   
Kung sabagay, wala rin sa screening si Aiko.
   
In any case, mas maraming celebrities, na karamihan ay walang kinalaman sa pelikula, ang nanood.   Bitbit ni Karla Estrada, mom ni Daniel, ang co-hosts niya sa daily (weekdays) morning show na Magandang Buhay -- sina Melai Cantiveros at Jolina Magdangal.
   
Dumating din ang best friend ni Karla na si Tates Gana. Of course, naroon din ang dad ni Daniel na si Rommel Padilla.
   
Escortless naman si Vina Morales gayundin si Janus del Prado.
   
Namataan din namin ang young Kapamilya stars na sina Andrea Brillante, Grae Fernandez, Marco Gumabao, Khalil Ramos (na tumangkad na, ha) at Bailey May, who came with his dad and Ylona Garcia.

* * *

Halatang nanlalata si Daniel sa premiere night dahil sa pagkakatrangkaso.
   
No wonder, aligagang-aligaga sa kanya si Kathryn, na kahit halatang worried sa condition ni Daniel, ay blooming na blooming sa kanyang bagong hairstyle.
   
Yes, she still wears her do in Barcelona...
   
Tinanong nga pala namin si Ricky Davao, who is also in the cast as Kathryn’s strict father, kung bakit hindi siya nakasali sa recent performance ng DOM (Dirty Old Musical) samantalang napabalitang he was in it originally.
   
Ricky merely smiled.
   
In the movie nga pala, masasagot na ang tanong ng lahat kung sino si Celine.
   
Well, our lips are sealed kung sinong young star ang gumanap bilang Celine.
   
By the way, si Liza ang gumanap bilang ina ni Celine sa movie.

* * *

Dapat pala ay dadalo sa premiere ng Barcelona … si Vice President Leni Robredo.
   
But for whatever reason, tanging ang kanyang mga anak na sina Aika, Jillian and Tricia ang dumating.
   
Halatang likas na fans ng local stars ang magkakapatid, pati si Vice Leni, who claims that her favorite  actress ay si Bea Alonzo.