4,764 guests

Kasalang Gwen at Jeremy, kasado na

  • Written by IFF
  • Published in Showbiz
  • Read: 352

WALA na ngang atrasan ang kasalang Jeremy Marquez at Gwen Zamora.

Sa pocket interview sa aktres kahapon, sinabi nito na first quarter of 2017 magaganap ang wedding nila sa Panglao, Bohol.

Ang seremonya ay idaraos sa Dauis Church habang ang reception ay gagawin naman sa kalapit na Amorita Resort, kung saan may matulaing limestone cliff.
   
Sa tantiya ni Gwen, 150-170 ang dadalong bisita nila ni Jeremy.
   
Type raw nila na may cliff sa reception dahil pareho silang mahilig sa scenery.
   
Siya mismo, kasama ang mommy niya, kapatid, si Jeremy at ang wedding planner, ang nag-ocular sa Bohol para sa kanilang big day.
   
Classic elegant daw ang motif ng kasalan na gagamit ng lahat ng shades ng blue.
   
May napili nang wedding gown si Gwen nang magtungo sa Hong Kong two weeks ago sa shop ng  sikat na Pinay international designer na si Monique Lhuillier.
   
Trumpet type kung i-describe ng soon-to-be-bride ang yari ng kanyang traje de boda na io-order pa raw mula sa Amerika.
   
Babalik naman siya ng HK by February para sa kailangang alterations bago dalhin dito ang gown.
   
Ayon kay Gwen, two years na silang mag-on ni Jeremy at October last year ito nag-propose nang pormal.
   
Ang unang proposal daw ay nangyari a month after niya sagutin ang aktor-politiko.
   
Pero, spur of the moment thing lang iyon, ’di tulad ng ikalawang proposal kung saan katulong pa ni Jeremy sa pagsusorpresa sa kanya ang mommy niya, kapatid at pinsan.
   
Ang gustung-gusto raw ni Gwen sa mapapangasawa ay ang pagiging persistent nito at surprising.
   
“I didn’t know him as being who I know him as now. I always thought he was a bad boy, but he’s the biggest sweetheart, he has the biggest heart, he wants to help everyone around him. He is willing to

sacrifice his own happiness for others. He’s really a big teddy bear,” dagdag pa ng aktres.
   
Ayaw pang kumpirmahin ni Gwen, pero may balita na isa sa mga magiging ninong nila ay si Pres. Rodrigo “Digong” Duterte.
   
“We haven’t asked him yet,” diin ng aktres.
   
Ang sigurado na sa listahan ay si Sen. Allan Peter Cayetano.
   
Matapos ang wedding, tuloy pa rin daw si Gwen sa pag-aartista, lalo pa nga’t nominado siya ngayon sa pagka-best actress ng Film Academy of the Philippines (FAP) para sa pagganap niya sa kauna-unahang indie movie niya na Apocalypse Child ni Direk Mario Cornejo.
   
Sey ni Gwen tungkol sa nominasyon, “Being nominated by the Film Academy of the Philippines is an achievement in itself. Given the prestige of the award-giving body, I have mixed emotions about the nomination. But I’m excited for the opportunities that will come due to the nomination yet anxious and nervous about the outcome during the awards night.”
   
Magbubuntis ba siya agad?
   
Sagot ni Gwen, “I guess I’ll feel it... if work comes and its not the right time, eh, di... Do you really plan things like that or do they just happen?”