5,727 guests

Jericho at Arci, mainit ang lampungan

  • Written by NEL ALEJANDRINO
  • Published in Showbiz
  • Read: 757

SAD, sad ang balitang binawian na ng buhay ang komedyanteng si Joy Viado. 

Isa sa aligagang tulu-ngan si Joy nang napaba-litang lumala nga ang kanyang sakit sa diabetes ay si Direk Wenn Deramas who died last February.

Direk Wenn would have turned 50 on Sept. 16. Joy was reportedly 57.

* * *

Kung hindi lang openly known na happily married si Jericho Rosales sa kanyang misis of nearly three years na si Kim Jones, puwedeng mapagkamalang mai-in love siya sa kanyang leading lady sa bagong series na pinagtatambalan nila for the first time ni Arci Muñoz, ang Magpahanggang Wakas.
   
Kunsabagay, tulad ni Jericho, taken na rin itong si Arci, since ’di naman nito ipinagkakailang may boyfriend na siyang head of a rock band and the son of a royalty in Brunei.
   
Ganunpaman, ’di ipinagkakaila ng dalawa na sa first few scenes pa lamang ng Magpahanggang Wakas, which has FM Reyes at the helm, marami na silang love scenes. All intense.
   
Both sexy din sila, since ang mga eksenang ito ay kinunan sa isang resort sa Caramoan in Camarines Sur.
   
Isang mangingisda raw ang role na ginagampanan ni Jericho sa series, which ABS-CBN business unit head, Direk Ruel Bayani produces. Isang pamilyar na hanapbuhay para kay Jericho.
   
Bagama’t ’di tuwirang naging mangingisda si Jericho, naging tindero siya ng isda sa isang palengke sa Marikina City.
   
He was driving for a friend, na may appointment sa GMA-7 when a talent scout approached him and encouraged him to join the then ongoing competition in the network, Mr. Pogi.
   
Well, the rest is history.
   
Magpahanggang Wakas, aside from Jericho and Arci, also stars John Estrada, Gelli de Belen, Liza Lorena, Lito Pimentel, Marco Gumabao at Ritz Azul.
   
Introducing sina Maika Rivera at Jomari Angeles.
   
Magpahanggang Wakas will start airing September 19.

* * *

Of Maika, she grew up in Australia. Pero matatas siyang managalog.
   
In the case of Jomari, he is a business management student sa Dela Salle University.
   
Nakalabas na siya in a number of films in supporting roles, kabilang na ang Ma Rosa, which won for Jaclyn Jose the best actress trophy in the last Cannes Filmfest.
   
Jomari plays Jericho’s younger brother in Magpahanggang Wakas.