6,853 guests

Bagong show ni Dingdong, iniintriga ng pangungopya

  • Written by Vinia Vivar
  • Published in Showbiz
  • Read: 519

Muling nagbabalik ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes on TV sa pamamagitan ng kanyang bagong action-drama series na Alyas Robin Hood na matatandaang naging kontrobersyal na agad matapos itong ikumpara sa hit US TV series na Arrow.

Sa grand presscon na ginanap last Sunday night, sinagot ni Dong ang tungkol sa isyung inihahambing nga ito sa Arrow at ang komento nga ng iba ay ginaya raw ang nasabing US series.

Ayon sa aktor, 18 years na siya sa GMA-7 at ganito katagal na rin daw siyang nagtitiwala sa network.
   
“In fact, that’s practically more than half of my life sa GMA-7,” he said. “Sa mga programang ibinibigay nila sa akin, alam kong ang lahat ng mga programa nila, eh, dumadaan sa masu-sing pagsusuri, pagri-research at kakaibang creative team ang nasa likod ng mga show ng GMA-7.
   
“That’s why, confident ako sa lahat ng ibinibigay sa akin at tiwalang-tiwala ako sa lahat ng ibinibigay sa akin kaya para sa akin, ’yun ang pinanghaha-wakan ko. ’Yung tiwala sa kanila at siguro, ganu’n din sila, ’yung tiwala nila sa akin.”
   
Hindi pa raw niya na-papanood ang Arrow pero nabalitaan daw niyang sikat na sikat ito sa atin and made sure na mapanood niya pagkatapos ng Alyas Robin Hood.
   
“Dahil sa ngayon talaga, ang focus ko ay ang pagsu-shooting at pagti-taping. And when you talk about shows like that, medyo napako pa ako sa House of Cards (another hit US TV series) kaya hanggang ngayon, nandu’n pa rin ako,” sey niya.
   
Dingdong explained na ang Robin Hood ay base raw talaga sa alamat.
   
“Isang alamat na napagdaanan na natin ’yan, alam na natin ang story niyan. Ang story ng Robin Hood ay isa sa tinatawag na master plots. Kagaya ng Cinderella is a master plot, Romeo & Juliet is a master plot. Marimar has a master plot of Cinderella kung saan si Marian ay naging bida at karamihan ng shows ni Marian ay may Cinderella master plot dahil doon nagiging relatable sa audience.
   
“And ganundin ang Robin Hood, he steals, he meddles with the rich para makapagbigay sa mahihirap.”
   
Para kay Dong ay napapanahon ang Alyas Robin Hood at naniniwala pa rin siya talaga na hindi pwedeng ilagay sa ating mga kamay ang batas.
   
“Kaya ang challenge rin sa show na ito para makita ng audience is, paano ba ’yung karakter ni Robin Hood, paano ba niya maibibigay sa mga nangangailangan ’yung karapat-dapat para sa kanila without over-stepping and without going against the law,” he said.
   
When asked kung gaano siya ka-excited sa kanyang bagong primetime series kaysa sa mga dati niyang ginawa, ani Dong ay mahirap ikumpara but definitely, iba raw talaga kapag may pamilya na.
   
“Siyempre ngayon, may pamilya na, alam mo ’yung kasabihang mas maraming hugot dahil para sa kinabukasan. Totoo ’yun dahil siyempre, mas nagiging concerned na tayo ngayon sa nangyayari sa kapaligiran, kung ano ’yung mapupulot ng manonood natin sa mga programang nakikita nila. So, careful tayo sa mga ganyang bagay,” he said.
   
Dahil busy nga siya ngayon sa bagong soap, paano na ang goal nila ni Marian na sundan na ang panganay nilang si Baby Zia?
   
“Magbabakasyon naman kami sa Pasko, eh,” natatawa niyang sabi.
   
Next year na ba ang target date nila na sundan si Zia?
   
“Kung kelan ibigay. Ganu’n naman ang thinking namin diyan. Wala sa aming mga kamay ’yan, eh. Siyempre kung sa gugustuhin, gusto, pero ’yung for it to be a reality, wala naman talaga sa aming mga kamay ’yun.
   
“Pero goal naman talaga namin na magkaroon ng maraming anak kaya bago pa kami ikasal, ’yun talaga ang pinagkasunduan namin.”
   
Magsisimula na ngayong Sept. 19 ang Alyas Robin Hood at kasama rin dito sina Megan Young at Andrea Torres bilang leading ladies niya, Jacklyn Jose, Cherie Gil, Sid Lucero, Paolo Contis, Dennis Padilla, Gary Estrada  at marami pang iba, with the special participation of Christopher de Leon mula sa direksyon ni Dominic Zapata.