4,914 guests

Kris, may bagong pasabog!

  • Written by Nitz Miralles
  • Published in Showbiz
  • Read: 621

Hinihintay ang pasabog ni Kris Aquino sa Insta-gram (IG) na “Before I resume taping on Sept. 22-SURPRISE.” 

Gustong malaman ng followers ni Kris kung ang ibig bang sabihin nito ay balik-taping siya ng Kris TV  o ibang show ang tinutukoy  at nakapagsimula na siyang mag-taping.

Tiyak na aabangan kung anong taping ang tinutukoy ni Kris at sa next week na ito, kaya abang-abang na ang followers ni Kris. Pero bago ’yun, mag-a-abroad muna sina Kris at mga anak na sina Josh at Bimby.

* * *

Hindi pumapatol sa bashers si Lovi Poe, pero dahil involved na ang friendship niya kina Tom Rodriguez at Carla Abellana, nag-react na si Lovi.
   
May kinalaman sa mga kissing at love scenes nina Lovi at Tom sa Someone To Watch Over Me ang isyu na kung saan, nagselos ang fans nina Tom at Carla at na-bash na nga si Lovi.
   
Nag-post si Lovi sa Instagram (IG) ng “I usually don’t  care and I’m super deadma... but these guys are my friends. So nothing but love.”
   
“Recently Tom and I had a lot of good and negative feedback about how “believable” our portrayals in our soap opera. It was quite upsetting that people actually put so much color into it just because we wanted to give our best in our craft. Simple because we owe it to our writers, directors ang our bosses who entrusted us with this project. An actor’s job is to make every scene believable w/c  completely flattered what we have achieved due to a lot of positive and a couple of violent reactions. I found in Tom someone who is equally as passionate as I am...who thankfully has a wonderful partner who has been nothing but supportive, real and such a dear friend to me. Thank you, Carla. Mahirap naman talaga trabaho namin pero nasa tao na talaga yun na hindi magpadala sa mga superficial na bagay. Work is work. REAL is different from REEL. And no apologies will be given...unless what I gave is less than a job well done.”
   
Apektado rin si Tom sa selos at galit ng ilang fans nila ni Carla, ilang days deactivated ang IG niya at nang ibalik ang IG, deleted na ang pictures nila ni Lovi na promo ng Someone To Watch Over Me.                                                      

* * *

Buhay na buhay at patuloy na gumagawa ng musika si Maestro Ryan Cayabyab at hindi totoo ang nabalitang sumakabilang buhay siya. In fact, in his element si Mr. C sa launching ng album ng The Ryan Cayabyab Singers  na Sa Panaginip Lang.
   
“It didn’t bother me at all. We were rehearsing nang kumalat ang balita, hindi ako bothered. Natuwa lang akong malamang maraming concern. Mabuti ang daughter ko nag-isyu agad ng statement at sinabing “my dad is alive.” Nakita ko ring maraming nag-share sa balita at ang daming nag-extend ng condolences, doon lang pumasok ang realization sa akin,” pahayag ni Mr. C.
   
Anyway, ang ganda ng album ng The Ryan Cayabyab Singers (RCS) at ang ganda ng blending ng boses nina Poppert Bernadas, Kaye Tiuseco, Erwin Lacsa, Celine Fabie, VJ Caber, Sheerlen dela Cruz at Anthony Castillo. Worth buying and worth listening ang kanilang album distributed by Curve Entertainment.
   
English at Tagalog ang kasama sa 12-track album with title na Same Sad Song, Di Kayang Aminin, Friends For So Long, Hihintayin Kita, If I Could, Ikaw Lang at iba pa.
   
Sa nasabing album ibinuhos ni Mr. C ang six years na hindi siya nagsulat ng kanta. Naging busy daw siya sa PhilPop at sa pagpo-promote ng songs ng ibang tao. “After six years, gumawa uli ako ng songs before I get rusty,” sabi ni Mr. C.

* * *

Masaya ang launching ng 1st ToFarm Songwriting Competition dahil na rin sa one liner at punchline ni Dr. Milagros How, Executive VP of Universal Harvester Inc. Pati nga sina Rommel Cunanan, Project Director at sina Jed Balsamo, Olivier Ochanine at Luchie Roque, natawa sa mga hirit ni Dr. How.
   
Sabi ni Dr. How, kaya niya naisip ang 1st ToFarm Sogwriting Competition para mag-discover ng new talents sa songwriting at pati na rin singers. This contest if for the ears naman at ang ToFarm Film Festival is for the eyes.
   
Tumatanggap na ng entries simula September 10 to November 18. Sa December 5 ang announcement ng nine finalists, sa Dec. 6-9 ang pagpili ng interpreters at February 6 ang Finals Night.
   
Cash, trophy at plaque ang matatanggap ng grand prize winner (P300,000), 1st runner-up (P200,000) at 2nd runner-up (100,000). Ang People’s Choice ay tatanggap ng P75,000 at bawat finalists ay tatanggap ng P40,000 plus plaque. Send your entries to ToFarm Secretariat, 10th floor, Harvester Corporate Center 158 P.Tuazon Blvd., corner 7th  Avenue,  Cubao, Quezon City.
   
May temang Planting The Seeds of Change ang 1st ToFarm Songwriting Competition, open to amateur and professional Filipino songwriters. Sali na!