4,808 guests

Karla, marunong mag-share ng magandang kapalaran

  • Written by Chit Ramos
  • Published in Showbiz
  • Read: 458
Karla Estrada Karla Estrada

PAUWI na mula sa Spain sa shooting ng “Barcelona: A Love Untold” si Daniel Padilla nang mabalitaan niya ang mga “pinaggagawa” ng kanyang Mommy (Karla Estrada) bilang isa sa mga hurado ng “Tawag Ng Tanghalan” sa  It’s Showtime.

Tulad ng dalawang contestants na pakiramdam ni Queen Mother ay kapos ang talento para manalo. Ang dahilan ng unang contestant ay sumali siya sa “Tawag Ng Tanghalan” dahil gusto niyang makabili ng tricycle. Hindi sapat ang kinikita niya araw-araw dahil inuuupahan lang niya ang tricycle na minamaneho niya.

Ang pangalawang contestant ay isang ina na may kambal na anak, bukod pa sa kanyang panganay. Hirap siyang itaguyod ang mga anak dahil mag-isa niya itong binubuhay.         Panibagong hirap ang hatid sa kanya ng kanyang kapatid na namatay dahil nag-iwan ito sa kanya ng apat na anak na wala ding tatay.

Parehong sinagot ni Karla ang problema ng mga ito. Nagpahatid agad si Karla ng isang bagong tricycle sa probinsya ng unang contestant (na nagkataong kababayan pala niya sa Tacloban) at sa pangalawa’y inayos niya ang  educational plan ng mga anak at pamangkin nito.

Ipinauubaya na kasi ni Daniel sa kanyang Mommy ang mumunting tulong na ito bilang pasasalamat sa mga blessings na tinatamasa niya ngayon.

MGA DUTERTE, MAHIRAP ANG KALAGAYAN, IDINIDIIN PA

NANG mabalita na namatay ang dalawa sa  triplets na dinadala ni Mayor Sara Duterte sa kanyang sinapupunan nitong Biyernes ng tanghali, tinutukan ko sa DZMM ang kasunod nitong follow up.
   
Nagdasal ako na sana’y hindi totoo ang balita, dahil mangangahulugan ito na na-stress si Mayor Sara  sa mga pangyayari nitong mga nakaraang bombing sa Davao na kumitil ng 14 na buhay at maging ang 71 na malubhang nasugatan at nasa iba’t ibang hospitals pa ngayon.
   
Naisip ko rin na baka pinigilan muna ang balita dahil ayaw niyang malaman  ng kanyang ama, si Pangulong Rodrigo Duterte ang malungkot na pangyayari.        
   
Natatandaan ko pang, noong araw ng panunumpa ni Pang. Duterte bilang pangulo ng Pilipinas dito sa Maynila ay kasama niya ang anak na si Mayor Sara. Hindi para maging saksi sa kanyang panunumpa, kundi para ma-check-up ito sa hospital. Buntis nga kasi ang anak at kailangan ang patuloy na check-up  para tiyakin ang kalusugan hindi lamang ng triplets kungdi ni Mayor Sarah din.
   
Napakahirap maging Mayor ng isang bayan. Napakahirap ng kalagayan ni Mayor Sara  sa mga panahong iyon.
   
Tapos maririninggan pa si Doris Bigornia na nagbabalita ng latest daw tungkol sa mga pangyayari kay Pang. Duterte sa isang lenguahe na hindi maintindihan kung “mayabang” o “nagyayabang-yabangan.”
   
“Niratrat” daw uli ni Pang. Duterte  si U.S Barack Obama, dahil hindi nito binasa ang prepared speech niya, kundi sariling nilalaman ng kanyang puso at isip.
   
Dapat matuto si Doris kay Barack Obama ng diplomasiya at respeto.
   
Dating tagahanga pa naman ang inyong lingkod ng Mutya ng Bayan, pero, sa himig ng kanyang pananalita, gusto ko sanang marinig si Mayor Sara  na sabihan siya ng “ Sige, Ikaw na ang pumalit sa akin!”
     
At lalong gusto ko kung si Pang. Duterte ang magsabi kay Doris ng: “Ikaw na! Ikaw na talaga!”