5,269 guests

Baron, masama ang loob sa netizens

  • Written by Nitz Miralles
  • Published in Showbiz
  • Read: 290

Nagpa-drug test si Baron Geisler, pero dahil self-administered ang drug test dahil siya lang ang gumawa at ang drug test kit ay galing sa friend niyang si Kowboy Santos at ginawa sa shooting, may mga nagduda sa negative result ng drug test. Dapat daw sa PNP o sa NBI siya nagpa-drug test.

Kaya sumama ang loob ni Baron sa reaction ng netizens at nagpaliwanag sa FB.

“That was just a spur-of-the-moment thing. We’re not making any claims here. Neither are we making statements. Unlike what other netizens are insinuating, this isn’t supposed to be a challenge to our fellow celebrities. If any of them feel inspired to do te same, then by all means, they have all the right to do so. So please stop the hate,” pakiusap ni Baron.

Oo nga naman, stop the hate at sigurado naman payag din si Baron na magpa-drug test sa PNP at NBI para ipakitang hindi siya gumagamit ng illegal drugs.

* * *

Sabay na pumirma ng kontrata sa Regal Films sina Yen Santos at Devon Seron at New Millennial Regal Babies na ang tawag sa kanila. Hindi nila ini-expect na papipirmahin sila ng kontrata nina  Mother Lily at Roselle Monteverde, kaya nagpapasalamat sina Yen at Devon.

Si Yen, ginawa na ang first movie niya sa Regal as Piolo PAscual’s leading lady in Once In A Lifetime. Looking forward siya for more movies na ibibigay ng kanyang mga producer.
   
Si Devon naging supporting ni Janella Salvador sa Haunted Mansion at Kiray Celis sa I Love You To Death. Sa Puwera Usog, isa siya sa dalawang bida. Hindi pa nito alam ang kanyang role at makakasama sa movie to be directed by JP Laxamana.
   
Magaganda, professional at mahuhusay na aktres ang ilan sa mga rasong sinabi ni Roselle kung bakit pinapirma nila ng kontrata sa Regal sina Yen at Devon. Kaya lang, kanino kaya sa dalawa ibibigay ng  Regal ang Inday Bote sakaling i-remake ang movie ni Maricel Soriano na pareho nilang favorite.

* * *

Nagsimula kagabi ang Superstar Duets at isa si Nar Cabico sa contestant. Sa presscon, pinabilib nito ang mga reporter sa ganda ng boses at sinabi nga agad ni Jerald Napoles na si Nar ang magiging mahigpit nilang makakalaban. Hindi lang singer si Nar, stage actor at songwriter din ito.
   
Sayang at hindi napili ang collaboration nila ni Lovi Poe para gawing theme song ng Someone To Watch Over Me na bida ang aktres. Si Lovi ang sumulat ng lyrics at si Nar ang gumawa ng music, pero puwede sigurong gawing second theme song.
   
Graduate ng Artist Management sa Benilde si Nar, sa PETA play na Leading Lady The Musical siya napanood ng GMA Artist Center at pinapirma ng kontrata.        
   
After ng one year contract, pinapirma uli siya ng kontrata. Gustong subukan ni Nar ang comedy, pero sa ngayon, bukod sa Superstar Duets, napapanood siya sa Encantadia Sessions. Next year, susubok siyang sumali sa songwriting contest.

* * *

Nag-imbita si Rita Avila sa September 18 sa Book Fair sa SMX MOA para sa book signing ng mga libro niya. Nasa St. Pauls Publishing booth siya ng 2-3 p.m. para sa book signing ng Ang Hindi Nakikita ng Pakpak 2 at 6-7 p.m.,  launching ng first love story niyang Wanna Bet on Love mula sa Mindmaster Publishing sa National Bookstore booth.   
   
Nakakatawa dahil ang giveaways sa book signing niya ng Wanna Bet on Love  ay Rossy Me Feminine Wash. Malalaman daw kung bakit ito ang gift sa mga bibili ng book at magpapa-book signing.
   
Sobrang excited si Rita lalo na sa first love story book niya dahil first time niyang sumulat ng love story. Nakuwento nito dati na two to three love story books ang kanyang tatapusin. Sabay ni Rita na maglu-launch ng book sina Director Joven Tan at Mr. Fu.