8,512 guests

Jennylyn, handang magpa-drug test

  • Written by Vinia Vivar
  • Published in Showbiz
  • Read: 484

Walang problema kay Jennylyn Mercado kung medyo nadi-delay ang teleserye niyang My Love from the Star dahil may bago naman siyang show na pinagkakaabalahan ngayon sa GMA-7, ang Superstar Duets, isang celebrity singing competition.

Solong ihu-host ni Jen ang show na may eight celebrity contestants  (Mike “Pekto” Nacua, Joross Gamboa, Jerald Napoles, Rita Daniela, Denise Barbacena, Nar Cabico, Divine Grace at Osang) at tatlong judges (Allan K, Aicelle Santos at Christian Bautista).
   
Mapapanood ito every Saturday simula sa Sept. 3.
   
Sa presscon last Tuesday, natanong si Jen kung okay lang ba sa kanya na ito muna ang gagawin niya sa halip na MLFTS na matagal na ring inaabangan ng kanyang fans. S
   
Sey niya, kung ano ang desisyon ng management, okay sa kanya. At least, iba naman daw ito at mas madali for her.
   
Mas nag-i-enjoy ba siya sa hosting?
   
“Parang... ewan ko, mas nari-relax lang ako kasi walang masyadong effort. Magsasalita ka lang, makikipag-banter ka lang, ganu’n lang. Makikipag-usap ka lang sa mga contestant, ganu’n lang. Hindi mo na kailangang umiyak o sampalin, ganyan. So, mas madali para sa akin.”
   
Napabalitang nagkakaroon ngayon ng problema ang MLFTS dahil hindi pumuwede ang leading man na si Alden Richards. So far, naghahanap pa ng kapalit.
   
Wala bang personal choice si Jen if ever?
   
“Syempre, may collaborative efforts kami na ‘o, may idea na ba kayo or may gustong ipa-audition?’ ganyan, pero siyempre, sa amin, nirerespeto namin ang desisyon ng GMA na parang ‘kayo na lang, kasi kayo naman ’yung bubuo ng show.’”
   
Wala raw siyang personal choice at kung sino ang mapipili ng GMA-7, payag siya.
   
Nanghinayang ba siya na hindi na si Alden ang makakasama niya?
   
“Siguro, hindi lang talaga... wala lang siya sa timing,” she said.
   
Isa ba sa naging factors sa hindi pagkakatuloy ay ’yung mga pamba-bash ng AlDub fans nang malamang magsasama sila?
   
“Hindi, siguro, pinili ko na lang na hindi i-check ’yung mga comment o ’yung account ko sa Twitter. Well, hindi naman ako masyadong nagtu-Twitter, pero mas pinili ko na hindi na lang basahin kesa... hindi ba?
   
“Dedma naman talaga ako, pero iba pa rin ’yung may nababasa kang mga negative tweet. So, ayun, mas maganda kung iwasan na lang siya.”
   
Samantala, dahil ang hot topic nga ngayon at tungkol sa sinasabi ngang kontrobersyal na listahan ng mga artistang gumagamit ng prohibited drugs, nahingan din si Jen ng opinyon tungkol dito.
   
“Ang view ko lang diyan sa ganyan, kailangang mapatunayan natin na gumagamit sila ng drugs. Kasi ang hirap naman din na idya-judge natin sila, tapos hindi naman totoo, unfair din sa kanila.”
   
Pabor ba siya na huwag munang pangalanan kung sinu-sino ang nasa list?
   
“Oo, sana. Patunayan muna nila or ma-prove muna nila na talagang gumagamit ng ipinagbabawal na gamot.”
   
Willing ba siya na magpa-drug test?
   
“Sige, okay lang. Mas okay. Kasi at least, malalaman talaga, magkakaalaman talaga. Mas maganda siguro ’yun kesa pangalanan or i-judge muna bago imbestigahan. Siguro mas maganda na ’yung ganu’n, ipa-test muna,” pahayag ni Jen.