8,719 guests

Alden, marunong magpasalamat sa press

  • Written by Leo Bukas
  • Published in Showbiz
  • Read: 423
Alden Richards Alden Richards

SI Alden Richards ay kaibigan ng dati naming talent noon na si Arjay de Jesus na ngayon ay sa Thailand na nagtatrabaho. Nagpupunta pa sila noon ng Enchanted Kingdom kasama ang iba pa nilang kaibigan.

Noon pa man, marami nang magagandang kuwento ang dati naming talent tungkol kay Alden. Puro magagandang kuwento.  Walang negative.

Until sumikat na nga itong si Alden at naging “hot property” na ng showbiz. Nagtanong ulit kami ng mga taong nakapaligid sa binata kung nagbago ba ito or lumaki na ang ulo. Wala pa rin daw pinagbago si Alden, sambit nila. Very down to earth pa rin daw ito at palabati.

Well, maybe that’s the reason why he is super sikat now. Napanatili niya ang magandang PR at hindi feeling sikat na katulad ng ibang artista.
      
A couple of months ago ay nagpa-thanksgiving presscon si Alden for the entertainment press. Nagpa-raffle siya ng cash. That is his way daw of giving back sa showbiz press na sobrang laki ng naitulong sa kanya.
   
Wow naman. Buti pa si Alden may ganitong gestures. Very appreciative at marunong mag-thank you sa press. Sa naturang  press party ay walang umuwing luhaan. Lahat ay happy.
   
Anyway, bukod sa Eat Bulaga kung saan regular na napapanood si Alden, magiging bahagi na rin si Alden ng GMA-7 primetime series na  Encantadia.
     
Thank you, Alden at patuloy pa sanang bumongga ang iyong career. May your tribe increase!