7,246 guests

James, handang magpa-drug test

  • Written by Nitz Miralles
  • Published in Showbiz
  • Read: 614

Ilang beses binanggit ni James Reid ang “my girlfriend” patungkol sa nobya niyang si Nadine Lustre sa launching/presscon niya bilang newest brand endorser ng Fujifilm Philippines. Si Nadine ang isinagot sa tanong kung sino ang favorite subject niyang kunan ng picture bukod sa landscape at travel.

Inamin pala ni James na budding photography enthusiast siya at nagsimula siyang mahilig sa photography habang ginagawa ang On The Wings of Love. Kaya nag-enjoy siya sa taping nila ng Till I Met You sa Greece dahil sa magandang lugar.  

Sa presslaunch, in-announce ng Fujifilm ang new products nilang X-A3 at X-T2 mirrorless cameras at instax SHARE SP-2. Present sa press launch si Takuya Maeda, Fujifilm Philippines’ division head for electronic imaging and photo imaging. Ipinakita ang mga  nagagawa ng mga klase ng camera na magugustuhan ng buyers.
   
Nabanggit pala ni James na gusto niyang subukang gumawa ng fantaserye at natuwa nang mabanggit ang Pedro Penduko na bagay sa kanya. “It would be fun to portray a super natural role,” wika ni James.
   
Willing din si James na magpa-drug test bilang suporta sa drug campaign ng gobyerno dahil nagsimula na pala ang random drug testing sa mga celebrity.
   
“Yes, of course! I guess it’s for the better. I have nothing to be afraid of. I’m not doing anything wrong so why not?” kampanteng sagot ni James.   

* * *

Pinatawa na naman kami ni Joross Gamboa nang makausap namin sa press visit ng Juan Happy Love Story. Sobra siyang nag-enjoy sa naughty rom-com series at kung siya ang masusunod, ayaw niya itong magtapos. Hindi siya umaarte rito at libre silang mag-adlib at higit sa lahat, hindi sila stressed at walang pressure.
   
Thankful sa GMA-7 si Joross na binigyan siya ng ganitong show. Mami-miss niya ang karakter niyang si Bob at ang show mismo na parang sitcom na soap opera. Pinakagusto niyang hindi imposible ang mga eksena, nakakaiyak at nakakatawa.
   
Sa GMA-7 pa rin ang next show ni Joross na Super Duets na pilot sa September 3. Si Adele ang kanyang makaka-duet at dahil first time sasabak sa kantahan, lagi siyang naka-earphone bilang paghahanda sa “pagiging singer.”
   
Gustong makatrabaho ni Joross sa GMA-7 si Michael V na idol daw niya. Gusto rin niyang mag-apply bilang creative ng network dahil gusto niyang magsulat lalo na kung comedy na para sa kanya’y strength ng Kapuso Network.

* * *

“The more the merrier” ang mantra ng mga taga-Sunday PinaSaya, kaya welcome sa original hosts  ang pagkadagdag nina Gladys Guevarra, Boobsie, Ruru Madrid, Gabbi Garcia, Andre Paras, Atak, Lovely Abella, Kim Last at Pekto. In-announce ang pagiging regular nila sa birthday presscon ng show.
   
Winelcome ang mga nabanggit ng original hosts na kinabibilangan nina Marian Rivera, Alden Richards, Julie anne San Jose, Jose Manalo, Wally Bayola, Barbie Forteza,  Jerald Napoles, Valeen Montenegro, Joey Paras at Ai-Ai delas Alas.
   
“Mahal namin ang bawat isa at sinusuportahan ang isa’t isa,” ang sagot ni Marian sa sikreto ng show. Sabi naman nina Ai-Ai at Wally, “one family kami” at “off-cam at sa backastage, nagba-bonding na kami at kuwentuhan. Kaya paglabas namin, ramdam na ang closeness namin.”
   
Magkakaroon ng two-part anniversary celebration ang Sunday PinaSaya sa September 4 and 11. Sina directors Louie Ignacio at Rich Ilustre ang magtutulong sa pagdidirek ng show na dadalhin daw sa ibang parte ng bansa.

* * *

Nauna ang GMA sa mga TV network sa bansa sa pag-“portalize” o pagsama-sama sa iisang portal ang lahat ng website ng iba’t ibang sangay nito gaya ng films, news, entertainment, international, at kung anu-ano pa.
   
Mistulang one stop shop ang GMA Networl Portal dahil dito matatagpuan ang lahat ng updates at impormasyon sa inyong mga paboritong Kapuso personalities, shows, events at iba pa.
   
Patuloy din ito sa pagiging number one local website ang base sa page views ayon sa Effective Measure. Last July, nasa 202 million ang page views ng GMA portal. Maaaring bisitahin ang GMA Network Portal sa www.gmanetwork.com.

* * *

Magpa-pilot sa September ang first ever interactive rom-com sa TV, ang URL o Usapang Real Love. Iniimbitahan ng GMA-7 ang lahat na i-upload ang kanilang selfies at videos sa Instagram at i-tag ang @usapangreallove at lagyan ng hashtag na #MagpaFANsin.
   
Ito na ang chance ng lahat na mapanood ang kanilang sarili sa TV! Para sa latest updates sa URL, log on sa facebook page www.facebook.com/usapangRealLove o i-follow ang kanilang Twitter na @UsapangRealLove.