6,423 guests

Tom, acting vehicle ang ‘Someone To Watch Over Me’

  • Written by Leo Bukas
  • Published in Showbiz
  • Read: 886

Kitang-kita sa mukha ni Tom Rodriguez during the presscon ang kagalakan na maging solo male lead ng soap operang Someone To Watch Over Me ng GMA-7. And take note, base sa teaser ng teleserye, mahusay ang pagganap ni Tom sa serye at posibleng maging acting vehicle niya ito.

Suwerte rin si Tom na dalawa ang kapareha niya sa STWOM -- Lovi Poe at Max Collins -- na pareho pa niyang makaka-kissing scene at bed scene. Minsan nga raw, may time sa taping na after ng kissing scene niya with Lovi ay si Max agad ang kasunod.
   
Wow naman, suwerte nga.
   
Sa teleserye, mada-diagnose si Tom na may Alzheimer kung kaya unti-unting mawawala ang mahahalagang alaala sa kanyang buhay. According kay Tom, nag-research pa siya nang husto para sa kanyang role para ma-portray niya ito nang maayos.
   
Kasama rin sa Someone To Watch Over Me ang nagbabalik-Kapuso na si Edu Manzano na gumaganap naman bilang asawa ni Jackie Lou Blanco. The series is directed by Maryo J. delos Reyes.