6,313 guests

Ai-Ai, sa ipinapatayong simbahan magpapakasal

  • Written by Vinia Vivar
  • Published in Showbiz
  • Read: 406

Isa si Comedy Queen Ai-Ai delas Alas sa mga natutuwa sa pamumuno ni Pres. Duterte lalo na nga sa all-out war nito sa droga.

“In fairness talaga, nagagalingan ako sa kanya (Pres. Duterte). Natutuwa ako kasi nagagalingan ako sa kanya dahil ’yung mga pangako niya, tinutupad naman niya, eh.

“At saka, ’yun naman ang gusto niya, ’di ba? Linisin ang droga at linisin ang Pilipinas, gumanda ang Pilipinas, maging maayos tayong lahat. Tinutupad naman niya.

“’Yun nga lang, sa ordinansa niya (may mga nasasagasaan), eh,  ’yon ’yung way niya, eh. Pero ako, okay sa akin ’yung ginagawa niya,” pahayag ng Comedy Concert Queen.
   
Kinokondena rin ni Ai-Ai ang mga taong nagbebenta ng droga na aniya ay wala raw sa tamang pag-iisip and as we all know, isa nga sa nabiktima ay ang anak-anakan niyang aktor na si Jiro Manio.
   
“So, siguro, naiintindihan ninyo kung bakit ako pabor (sa all-out war on drugs ni Duterte) kasi alam ko kung ano ang resulta ng mga taong nalulong sa droga,” sey pa ni Ai-Ai.
   
Samantala, sa lovelife naman niya, natanong din ang Comedy Queen kung balak na ba nilang pakasal ng boyfriend niyang si Gerald Sibayan.
   
“Hindi pa, matagal pa. Kasi mag-iipon pa siya, eh. ’Yon ’yung gusto niya,” sabi ni Ai-Ai at pinuri ang bf sa pagiging maprinsipyo nito.
   
So, ibig sabihin, nanghihingi siya ng magandang wedding?
   
“Oo, talaga! Nanghihingi talaga ako,” sambit niya.
   
Kung sakali ay dito na raw siya magpapakasal at gusto niya ay sa simbahang pinapagawa niya sa Commonwealth sila ikakasal.
   
“Hihintayin ko siyang magawa. Gusto ko talaga ro’n. Basilica ’yun, eh.”
    
So, mga ilang taon pa?
   
“Mga 4 years pa, matagal pang magawa ’yung simbahan.”
   
Sa ngayon ay on-going daw ang construction ng church at may mga tumutulong at nagdu-donate naman daw para makatulong sa pagpapagawa.
   
“Ayoko sanang pag-usapan, pero thank you nga pala kay Bossing (Vic Sotto), nagbigay si Bossing. Lumapit din ako kay Willie (Revillame). Lahat ng mayayaman, nilalapitan ko,” natatawa niyang sabi.
   
Hindi naman siyempre biro talaga ang magpatayo ng isang simbahan kaya naman naghihingi rin ng tulong si Ai-Ai.
   
“At saka, kailangan ’yun, may pillars kasi, itatayo ’yung pillars. So, medyo malaki. Pero sinusulatan naman sila ni Archbishop,” sey ni Ai-Ai.

* * *

Excited na ang Kilabot ng Kolehiyala na si Michael Pangilinan at Morissette Amon sa gaganaping mala-king concert nila kasama ang  world-class performers na sina Arnel Pineda of The Journey at ang X Factor UK Finalist na The 4th Impact produced by Lucky 7 Koi Productions.
     
Titled Powerhouse, ga-ganapin ang concert on October 28, 2016, 7:30 p.m. sa The Theatre of Solaire Resort & Casino.
     
First time nina Michael and Morissette na makakasama on stage ang  magagaling na performers na ito kaya naman aminado silang abut-abot ang kanilang kaba and at the same time ay honored of course.
   
“Ako po,” say ni Michael sa presscon para sa nasabing napakalaking concert,  “nu’ng nalaman ko na kasama nga po ako sa production na ito, dito sa concert na ito, siyempre, natuwa ako kahit na alam kong siyempre, family and parang mommies (the producers) ko na silang lahat, pero iba pa rin ’yung bigyan ka ng chance na kasama si Mr. Arnel Pineda, Morissette, at ang iba pa pong magpe-perform sa concert, siyempre, nakakatuwa kasi isa rin po ako sa may chance makapag-perform sa isang malaking venue like Solaire.”
   
Ayon naman kay Morissette, sobrang grateful daw siya sa tiwalang ibinigay sa kanya ng producers.
   
“And to be sharing the stage, of course, with the one and only Mr. Arnel Pineda, sobrang nakaka-warm po kasi siyempre, ako po, galing akong Cebu and then, we decided to relocate to Manila to follow my dreams with my very supportive family and dati po, pinapanood at pinapakinggan ko lang po si Sir Arnel at ngayon na makakasama ko na po siya, it’s like a dream pa rin po, so, we’re very excited sa lahat ng production numbers, sa lahat ng performances namin and siyempre, sa buong team, thank you sa tiwala,” pahayag ni Morissette.
        
Sa totoo lang, sobrang ambisyoso ng concert na ito not to  mention the fact na napakadugo dahil nga  international performers ang kasama nina Michael at Morissette.
        
Pero hindi problema sa Lucky 7 Koi Productions ang budget at say nga nila, walang kahirap-hirap na nabuo ang concert since naka-ready na agad ang pang-downpayment nila sa performers.
   
Actually, ang medyo nahirapan lang daw sila ay sa The 4th Impact dahil talagang hinanap pa raw nila ito kung paano maku-contact at ni hindi nila alam kung sino ang manager.
   
Pero nang mahanap naman daw nila ito (with the help of Jobert Sucaldito and Emmie Domingo) ay nagkaayos naman agad at first meeting pa lang ay nagkapirmahan na agad ng kontrata at nagbigay na agad sila ng DP.
   
May tour si Arnel sa ibang bansa kaya hindi nakarating sa presscon pero dadating daw ang international singer sa ’Pinas by the end of September habang ang The 4th Impact naman ay dadating on the 2nd week of October kaya magkakaroon pa raw ng another big presscon kapag kumpleto na ang Powerhouse performers.
   
Kasama rin nina Arnel, Morissette, Michael and The 4th Impact bilang front act sina Mayumi (grand champion JaPinoy Star Quest) and T.O.M.S. Band.