4,714 guests

DCI Dellosa, DCE Nepomuceno ‘pinuri’ ni Comm. Nick

  • Written by Paul M.Gutierrez
  • Published in Opinion
  • Read: 385

BAGO ang lahat, mainit, masaya at maingay na pagbati ng ‘Maligayang Kaarawan’ sa aking kaibigan, kumpare at kasamang kolumnista dito sa People’s Tonight, si Pareng Vic Reyes, na nagdiwang ng kanyang kaarawan kahapon.

‘Happy Birthday,’ pare ko at harinawang patuloy kang “sabugan” ng mga biyaya at pagpapala ng Poong Maykapal, kasama ang iyong mga mahal sa buhay. Kaugnay nito, asan na ang beer, hehehe!
   
Pagbati rin sa ating mga kasamahan sa Quezon City Press Corp (QCPC) sa pangunguna ni kasamang Rio Araja ng Manila Standard, na pormal na nanumpa sa kanilang mga katungkulan kahapon.
   
Ang ‘QCPC,’ mga kabayan, ay isa sa mga “matibay” na “balon ng suporta” ng National Press Club (NPC) sa hanay ng mga mamamahayag sa Metro Manila. Mabuhay kayo, mga kapatid!

* * *   

Sa kanyang pagdalo kahapon sa ‘press briefing’ sa Malacañang kahapon ng umaga, natutuwa naman tayo na kahit ‘indirect approach,’ wika nga, “pinapurihan” ni Bureau of Customs (BoC) Commissioner, Nick Faeldon, sina dating Deputy Commissioner for Intelligence (DCI) Jessie Dellosa at Deputy Commissioner for Enforcement (DCE) Ariel Nepomuceno, nang kanyang ipagyabang, agh, ibulgar na aabot sa higit P1.3 bilyon ang naharang na mga kontrabando at iligal na droga ng BoC.
   
Dangan kasi, “alangan” naman na itong bilyones na ‘accomplishment’ na ito ay nangyari sa kanyang termino samantalang halos dalawang buwan pa lang naman siya sa puwesto at wala pang naipapahuli kahit na isang kargamento ng mga smuggler, hindi ba, mga kabayan?
   
Sa napanood pa nating ‘live stream’ ng kanyang ‘press con’ kahapon, partikular na binanggit ni Comm. Nick ang mga nahuling iligal na droga (read: EG under DCE Ariel) at mga samu’t saring mga produkto katulad ng asukal (read: IG under DCI Jessie).
   
Sa kampanya ng pamahalaan laban sa iligal na droga, gusto ko lang “ipaalala” sa inyo, dear readers, na dalawang ulit na “tinalo” ng EG ni DCE Ariel ang LAHAT ng ‘law enforcement agencies’ kung sa dami at halaga rin lang ng mga nakumpiskang iligal na droga ang pagbabatayan.
   
‘Similarly,’ wika nga, dahil naman sa kampanya ni DCI Jessie laban sa ‘big time smugglers’ ng bigas, asukal, sibuyas, etcetera, etcetera, kung kaya todo ang suporta sa BoC, partikular na sa IG, ng mga ‘stakeholder’ sa ating lokal na agrikultura.
   
Aber, sa laki ng “pinsala” na inabot ng mga smuggler sa IG, kahit isang buwan nang ‘retired’ si DCI Jessie, patuloy pa ring “pinopondohan” ng mga smuggler ang ‘black propaganda’ laban sa kanya at sa IG.
   
Aba, mga bosing, ‘mag-move on’ na kayo, hehehe! Dumating na ang “pagbabago” sa BoC, hindi ba? “Pagbabago” na pumapabor sa inyo kaya, ‘past is past,’ hane?

* * *   

Bilang “patotoo” naman na “seryoso” umano si Comm. Nick sa kampanya laban sa katiwalian, ibinulgar pa niya kahapon na “ipinasa” (forwarded) na niya ang “rekord” nitong si BoC police captain, Arnel Baylosis sa Department of Justice.
 
Sa “kuwento” ni Comm. Nick, lumalabas na hindi ordinaryong kawatan, agh, ‘bagman’ itong si Baylosis dahil ang “tinatanggap” umano nitong “tara” KADA BUWAN, mga kabayan -- kapit kayo sa silya bago kayo mahulog -- ay nakahihilong “P100 milyon hanggang P120 milyon!” sapul pa noong 2012, wow!!!
   
Aber, sa laki ng ‘grease money’ na ito, masasabi nating “suwerte” itong si Baylosis dahil “buhay” pa siya, hehehe!