5,337 guests

Ibalik ang nutribun

  • Written by Allan Encarnacion
  • Published in Opinion
  • Read: 327

ISA sa mga inabot kong proyekto ni Marcos ay ang nationwide feeding program.

Layunin nito na maiwasan ang malnourishment problem ng bansa na talamak sa maraming lugar sa Asya at Africa noong mga 1970s hanggang 80s.

Natatandaan ko na kaming mga elementary pupils ay may libreng nutribun, klim at soup kapag recess.

At ito ang dahilan kaya kahit maraming bata ang mahihirap man noon, sapat naman ang daily nutrition dahil sa tulong ng gobyerno.
   
Ang magandang balita, ginagawa na rin pala ito sa Maynila.
   
Binuhay pala ni Mayor Erap ang nutribun at gatas sa mga elementary pupils sa buong lungsod.
   
Sa dami ng proyektong isinusulong ni Erap mula sa pagpapaayos at paglalagay ng mga pasilidad sa mga ospital, pagpapatayo ng mga bagong palengke, paglilinis sa mga major roads tulad ng Divisoria, ang pinakagusto nating ma-sustain niya ay ang citywide feeding program.
   
Maraming mahihirap sa lungsod at alam nating karamihan sa mga nasa public school ay pumapasok kahit walang laman ang sikmura.
   
Ang pagbabantay sa nutrisyon ng mga batang ito ay pakikinabangan ng buong bayan sa mga salin-lahi o mga susunod pang henerasyon.
   
Sana gayahin ng mga local executive sa buong bansa ang feeding program na ito ni Mayor Erap.

* * *

Congratulations sa mamamayan at mga lider ng San Jose del Monte (SJDM), Bulacan.
   
Ang dating sleeping town at kinatatakutang puntahan ay nasa mapa na ng booming economy sa lalawigan.
   
Hindi ako magtataka kung lalagpasan na ng SJDM ang mga nauna nang naging city sa lalawigan tulad ng Malolos at Meycauayan.
   
Noong araw, tambakan lamang ng mga nademolis na squatters kung saan-saan ang lungsod ni Mayor Arthur Robes subalit ngayon ay masigla na ang kanilang ekonomiya.
   
Nang huli akong mapunta sa SJDM, nagulat ako sa aking nakita dahil may higanteng SM mall, Robinsons at Ayala development na pala doon.
   
Sa SJDM na rin pala lilipat ang mala-Universal Studios ng ABS-CBN na ang balita natin ay 70% nang completed ang construction sa Paradise Farm.
   
Ang huling balita, sa SJDM rin ang central depot ng MRT 7 kaya tiyak ang lalo pang pag-unlad ng lungsod.
   
Business-friendly ang SJDM na naging bahagi ng management style ni Mayor Robes kaya umaasa tayong malulutas ang unemployment problem ng lungsod.

* * *   

Babala sa mga macho men na may kaya sa buhay.
   
Ang sindikato ng human trafficking na pinamumunuan ng isang alyas Kuya Joey ay may iba pang modus.
   
Nakakulong na si Kuya Joey sa NBI kasama ng apat pang miyembro ng sindikato matapos ang raid sa kanilang apartelle sa Pasay City.
   
Ang isa sa modus nila ay magpapakawala ng maganda at sophisticated na babae na posibleng magustuhan ng mga DOM at iba pang rich guy sa mga party.
   
Kapag nasakote na ang puso ng lover boy, dyan na papasok ang sindikato ni Joey, huhuthutan na at gigimikan na nang todo para makakuha ng pera.
   
Pinoy at mga foreigner ang target ng sindikato kaya ingat lagi.
   
Moral of the story, huwag masyadong palaibig.

* * *

This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it..