4,827 guests

Totoong kalagayan ni Klaudia sa Amerika, isiniwalat ni Angel

  • Written by Leo Bukas
  • Published in Showbiz
  • Read: 952
Eduard, Klaudia &  Angel Eduard, Klaudia & Angel

NASA Pilipinas ngayon ang Pinay transgender at X Factor USA finalist na si Angel Bonilla. May  back-to-back concert  sila ng X Factor Israel grand winner na si Rose “Osang” Fostanes sa Zirkoh Tomas Morato, Quezon City sa  Miyerkules, August 24, 9 p.m.  entitled Voices… The Concert.

Maraming kantang ini-handa si Angel with Knights Band  kasama ang kanyang winning song sa Discovery Pop Music Festival. Naging representative  ng Pilipinas si Angel at naging second runner-up sa naturang contest na ginanap sa Europe.

Panauhin sa concert si Michael Pangilinan at ang X Factor Philippines stand-up comedian na si Osang.

Guests din sina Marika Sasaki, Idolito Dela Cruz at Mei Cruz. Tampok din ang all female group The Fabulous Girlfriends at all male group na Brat Boys. Aaliwin din ang audience ni Ron Mclean, Zero Ground at Four Dimensions.

Ang sponsors ng naturang concert ay Beauté Derm, Aficionado Germany Perfume, Joel Cruz Signatures,  Fernando’s Bakery, YSA Skin and Body Experts, UniSilver Time, Sogo Hotel.
   
Para sa ibang detalye, tumawag sa  09053595091.

* * *

STILL on Angel, ang Pinay transgender na nali-link sa discoverer niyang si Eduard Banez na dating Star Magic artist pero naka-based na ngayon sa Amerika, ang nagkuwento sa amin na tila depress ngayon ang  dating sexy actress na si Klaudia Koronel na naninirahan na rin sa Amerika.
   
Base sa pagkaintindi namin sa kuwento ni Angel, hiwalay na sa asawang Amerikano si Klaudia. Hindi lang namin alam kung ano ang naging ugat ng hiwalayan.
   
Hindi rin kasi masyadong detalyado ang kuwento ni Angel kasi ayaw niya ring lumabas na tsismosa, ’di ba?         Anyway, paminsan-minsang nagkikita sina Angel, Eduard at Klaudia para mag-bonding. May trabaho rin daw si Klaudia sa US at ’yon marahil ang ipinantutustos  ng aktres sa pang-araw-araw niyang pangangailangan.

* * *

He croons with a heart -- he's such a pleasant performer to watch. His looks thrills his audience. He has his own style!
   
Ganito kung ilarawan ng kaibigang Jobert Sucaldito ang 23-year old balladeer na si Kiel Alo na ilu-launch ang singing career ngayong gabi (Aug. 21, 9 p.m.) sa Music Box (Timog Ave.) sa pamamagitan ng isang  concert.
   
Makakasama ni Kiel sa kanyang launching ang iba pang very promising artists tulad nina Marion Aunor, Ezekiel, Rochelle Carsi Cruz, Cherie Pie of the Pink Mannequins at siyempre, si Michael Pangilinan na talent din ni Jobert.
   
Musical director ng show si Ivan Lee Espinosa.
     
“It has always been my dream to perform in front of a fun audience. Hindi ko akalaing darating pa itong career sa akin. Itong singing thing ko kasi  matagal na akong kuma-kanta and I got all these promises left and right pero wala namang nang-yari.
     
“Ngayon ay naram-daman ko nang my time has come. Pinagkatiwa-laan ako agad ng manager kong si Nanay Jobert Sucaldito kaya ang title ng show namin ay It's My Turn kasi nga, dumating na yata ang time ko,” pabiro niyang pahayag.
     
The first time we hear Michael Pangilinan noong nagsisimula pa lang siya kay Jobert ay sinabi na namin na malayo ang mararating niya dahil mahusay naman talaga. Kita n’yo naman kung nasaan na si Michael ngayon, ’di ba? Sobrang dami na niyang accomplishments.
   
Well, let’s  see kung ganun din ang magiging assessment namin kay Kiel. Ha-ha-ha!
   
Anyway, It's My Turn concert is ably supported by presenters Aficionado Germany Perfume, Joel Cruz Signatures, Ms. Josie Yu and Isabela Gov. Bojie Dy. Major sponsors also include Ms. Laarni Enriquez, Mr. Atong Ang, Mr. Art Atayde, Mr. Boy Abunda, Guiguinto (Bulacan) Mayor and Mrs. Boy and Precy Cruz, Mr. Nixon Teng and Mr. and Mrs Henry and Lily Chua.