82,753 guests

Kris, lalayas na naman ng ’Pinas

  • Written by Nitz Miralles
  • Published in Showbiz
  • Read: 378

Muling aalis si Kris Aquino, hindi pa sinasabi kung saan siya pupunta, but this time, mag-isa siyang aalis. Sa latest post nito sa Instagram (IG), sinabi nitong “Travelling on my own... ME TIME” at may mahabang post tungkol sa kanyang plano.

“My family understood I needed some time to reflect and just be on my own...  You all have a right to your opinions regarding my decisions I’ve made & continue to make because you are all stakeholders in my career, and I need you... But I’ve also been praying that you will reciprocate the respect I’ve tried my best to consistently give you by being dedicated & passionately professional.”

Malinaw ang sinabi ni Kris na irespeto ang desisyon niya at wala pa ngang sinasabi kung ano ang mga plano ni Mr. Tony Tuviera kay Kris, kung anu-ano na ang reaction ng ibang followers ni Kris. Pagbalik na siguro ni Kris mula sa kanyang pagbiyahe magsisimula ang project niya under her new “lead manager.”

Sa isang text, sabi ni Kris: Mr. T is now my lead manager, Boy (Abunda) will continue with endorsements but I’m partnering with APT for digital initiatives. I prayed long about this and my sisters and I discerned-and this felt RIGHT.”

* * *

Na-bash si Robin Padilla dahil sa isang pahayag sa launching nila ni Rommel Padilla bilang endorsers ng Bravo Food Supplement for Men na gawa ng Kaufman Pharma, Inc. 
   
Nabanggit kasi ni Robin na sana magkaroon muna ng dialogue ang gobyerno at ang showbiz personalities na kasama sa “drug list” bago ilabas sa publiko ang listahan. Patunay ito na mahal ni Robin ang mga kasama sa movie industry, kaya nagpahayag siya ng saloobin, pero hindi ito nagustuhan ng netizens.
   
Bakit daw kailangan ng special treatment ang mga artista? Unfair daw ito lalo na sa mga ordinaryong mamamayan lalo na ’yung mga namatay, ’yung mga sumuko at ’yung nasama sa shame campaign ni President Rody Duterte. ’Wag na raw makialam si Robin at pabayaan ang gobyerno na gawin ang kanilang trabaho.
   
Wala pang  sagot di Robin sa batikos na nakuha dahil sa kanyang pahayag. Pero sa Instagram (IG), may post ito na hindi sila politician, revolutionary siya at walang sinunod na propaganda ng any political party. Kapakanan lang siguro ng mga kasama sa industriya ang inisip.
   
Anyway, sa presscon ng Bravo, nabanggit ni Robin na outside the kulambo siya ngayon dahil six months pregnant si Mariel. Pinagbawalan siya ng doctor nito na gawin ang sabi nga nito, “hain ng Diyos.”
   
Tila napunta kay Rommel ang assignment na pagpapalawak sa Padilla clan dahil 10 na ang anak nito at dahil sa Bavo food supplement for Men, madagdagan pa. ‘Kaloka ang inamin nitong three days ang effect ng Bravo ’pag iniinom.

Available sa Mercury Drugs ang Bravo na ayon sa mga taga-Kaufman Pharma ay five years dinevelop bago ilabas.

* * *

Tuluy-tuloy ang shooting ng Mang Kepweng Returns  na bida si Vhong Navarro kapareha si Kim Domingo. Si GB Sampedro ang kinuha ng Cineco Productions na magdirek ng movie na intended for MMFF. In good hands sina Vhong at Kim at ang cast dahil isa sa pitong producers ay si Ramon Salvador na mahal ng press people.
   
Magkaiba ang network nina Vong (ABS-CBN) at Kim (GMA-7), pero mabilis silang nagkasundo. Sabi ni Kim, kinausap siya ni Vhong sa first day shooting nila, na mabait at approachable ang aktor.
   
Gusto ni Kim ang concept ng Mang Kepweng Returns na horror-comedy na ngayon lang niya gagawin. Iba ito sa sexy-comedy na Juan Happy Love Story na show niya sa GMA-7. Walang inaayawang trabaho at eksena si Kim, kaya okey sa kanya kung magkaroon sila ng kissing scene ni Vhong.
   
Nanood si Vhong ng old movies ni Chiquito para lang makita niya ang acting nito, hindi para gayahin at gusto rin ng producers na ibang version ni Mang Kepweng ang gawin niya. Nangako si Vhong na gagawin ang best niya para maganda ang Mang Kepweng Returns  lalo’t pang-MMFF.
   
Ayaw nang palakihin ang isyu na binalak ng Viva Films na i-remake ang Mang Kepweng na si Luis Manzano ang bida. Nilinaw nito na wala siyang inagaw na project na parang pinbalalabas ng isang aktor.