6,412 guests

Kontrobersiyal na CNS/ATM sa CAAP dapat balikan

  • Written by Paul Gutierrez
  • Published in Opinion
  • Read: 420

Paul's Alarm

BAGO ang lahat, binabati natin si “acting” Eastern Police District (EPD) director, Romulo Sapitula, sa pagbaba ng kanyang “estrelya.”

Kumbaga, ‘Gen. Sapitula’ na ngayon ang tawag dito sa ating kaibigan na siyempre pa, ay mas “masarap pakinggan.”

Kilala natin ang galing bilang pulis ni ‘DD Sapitula’ kaya para sa atin, ‘well-deserving’ siya sa kanyang promosyon kaya ang tanong: ’Asan na ang beer, general, hehehe!

Isa pa sa dapat nating batiin ay si S/Supt. Valeriano ‘Val’ de Leon ng PRO-11 na binigyan ng bagong pagkilala bilang ‘best senior police officer for administration’ sa katatapos na ika-115 anibersaryo ng PNP Service na personal pang pinuntahan ni Pang. Rody Duterte.

‘Younger brother’ si Col. Val ng ating kaibigan sa Philippine Army na si (retired) MGen. Benito de Leon at una nating nakilala noong siya pa ang “PD” (provincial director) ng Quezon kung saan kinilala rin siya bilang ‘best provincial police director.’
    
Sa mga kaibigan nating ito, ‘congratulations!’
    
At nasimulan na rin lang ang “papuri,” kudos sa administrasyong Duterte sa desisyong “palayain” sina CPP chairman Benito Tiamzon at CPP secretary, Wilma Tiamzon at iba pang mga lider ng rebolusyunaryong kilusan na direktang may kinalaman sa ‘peace talk.’
    
Masasabing isang “sugal” ang desisyong ito ni Pres. Rody dahil sa posibilidad na bumalik sa ‘underground’ ang mga ito eh, “problema” na naman, ahahay!
    
Bagaman nga, ang desisyon ni Pres. Rody ay muling pagpapakita ng kanyang pagiging seryoso na “tuldukan” na ang matagal nang problema ng bansa hinggil sa kawalan natin ng tunay na pambansang pagkakaisa at ng “hinahanap” nating lahat -- “kapayapaan.”
    
‘Finally,’ wika nga, “kudos” din sa Intelligence Group ng Bureau of Customs (BOC-IG) sa patuloy nilang “pagbabantay” upang labanan ang salot ng ‘smuggling.’
    
Patunay dito ang “nasabat” na 9 X 40 container ng mga asukal d’yan sa Port of Manila ng grupo, ang unang ‘accomplishment’ ng IG sa ilalim ni ‘Officer-In-Charge’ (OIC) Atty. Liza Sebastian at siyempre, ni Comm. Nick Faeldon.
    
’Yun nga lang, “nga­nga” ang mga reporter na pumunta kahapon sa POM para sa ‘media presentation’ dahil “ki­nansela” ni Comm. Nick ‘at the last minute.’
 
At any rate, congrats pa rin sa BOC, partikular sa grupo ng POM-CIIS sa pangunguna ni Joel Pinawin na siyang nagbukas -- at nakadiskubre -- sa mga asukal.

* * *
   
Sa nakaraang SONA ni Pang. Rody, isa sa mga nakatawag pansin sa atin ay ang kanyang komento hinggil sa problema ng ‘air traffic congestion’ d’yan sa NAIA na ang responsableng ahensiya ay ang ‘Civil Aviation Authority of the Philippines’ (CAAP).
    
Dakong 2012 nang una nating “tutukan” ang mga problema ng ating ‘aviation sector’ kung saan puwede na palang gawing “maliit na libro,” mga kabayan, ang mga artikulong naisulat ko hinggil sa mga problema -- at mga kontro­bersiya -- d’yan sa CAAP.
    
At hindi siyempre puwedeng mawala ang dalawang kaso ng ‘libel’ na inabot ko d’yan at ng aking editors (pareho namang nabasura), hehehe.
    
Ayon sa ilang miron sa CAAP, “tumaas” ang kanilang ‘morale’ dahil anila ay “totoo” na dumating na ang “pagbabago” sa kanilang ahensiya!
    
At kung ganito nga, wala tayong masasabi kundi, ‘this is good for the country!’
    
Anila pa, ‘right choice’ si CAAP director general at dating piloto na si Capt. Antonio Generoso Buendia, Jr., na “kababayan” ko pala sa lalawigan ng Batangas (tubong Bauan si DG Buendia).
    
Bilang dating administrador ng ‘PADC’ (Philippine Aerospace Development Corporation) at dati na ring opisyal ng CAAP, natutuwa ang ating mga miron na “alam” at “kabisado” na umano ni DG Buendia ang mga problema na agad dapat masolusyunan.
    
At harinawang isa sa mga maging prayoridad ni DG Buendia ay kung paano “gagamutin” ang matinding korapsyon at mga katiwalian d’yan sa CAAP na mga pangunahing katangian nito sa buong termino ni PNoy.
   
’Yun nga lang, mga kabayan, tumigil na muna tayo sa pagsusulat hinggil d’yan sa CAAP dahil maliwanag pa sa sikat ng araw na kahit anong pagbibisto ng media, hindi ito papansinin ni PNoy na hanggang sa huling sandali ay nakita nating “numero unong protektor” ng kanyang mga pinagtiwalaan sa ahensiyang ’yan.
    
Kumbaga, “walang panalo” ang mga ‘crusader’ sa lipunan kung ang “kalaban” mismo ay ang pangulo ng Pilipinas na “kunsintidor” at “protektor” ng mga tiwali sa kanyang pamahalaan.
    
Isang “pruweba” dito, dear readers, ay ang katotohanang hindi man lang kinastigo o sinibak ni PNoy ang mga opisyales ng CAAP sa naging pagkamatay ni DILG Sec. Jesse Robredo sa isang ‘plane crash’ sa Masbate noong 2012.
    
Aber, hindi ba “nilunok” pa nga ni PNoy ang ‘official report’ ng CAAP na ‘cardiac arrest’ (heart attack) ang ikinamatay ng di-umano ay “matalik na kaibigan” niya?

* * *
   
Isa sa mga dapat na “tutukan” ni DG Andrews d’yan sa CAAP ay ang problema ng ating ‘communications and navigation surveillance and air traffic management’ (CNS/ATM).
    
Ang ‘CNS/ATM’ mga kabayan, ang “teknolohiya” na siyang nasa likod ng ‘air traffic control’ sa ating mga paliparan.
    
Kung “tututukan” at “bubungkalin” lang ni DG Buendia at ni Pres. Rod ’yang eskandalo ng CNS/ATM d’yan sa CAAP, aba’y ‘small time’ lang ang anomalyang nangyari sa ‘MRT/Inekon deal’ na ang sangkot ay mga kamag-anak at iba pang mga “chuwariwap” ni PNoy at kanyang pamilya.
 
Dangan kasi, BILYONES ang pinag-uusapan dito, mga kabayan kung saan kahit ang isang nagmamalinis na ‘commissioner’ ng COA na inilagay ni PNoy ay puwedeng sumabit.
    
Muli ko ring “hinuhukay” sa “baul ng kasaysayan” ang mga dokumento ko sa isyung ito bagaman nga, kaibigang Ding Ladayo, kung “naghahanap” ng iba pang ‘smoking gun’ ang Palasyo hinggil dito sa mga kawatan sa ‘Luhaang Partido’ (LP) ni Mar Roxas at PNoy, aba’y “swak” ang eskandalo ng CNS/ATM sa kategoryang ito. Abangan!