5,967 guests

De Lima: I am not the enemy

  • Written by People's Tonight
  • Published in Nation
  • Read: 249

“I HAVE always been loyal to my oath as a public servant. I am not the enemy here. Stop portraying me as one. I ask the nation to continue praying with me, for me, for the President, and for the country,” pagtatapos pa ni De Lima na tumanggi ring magpa-interview sa mga kagawad ng media.

Ilan lang ito sa mga pinahayag ng emosyonal na si Senador Leila de Lima sa press conference na pinatawag niya kahapon.
   
“Words cannot express what I am feeling right now,” ani De Lima.
   
Inamin ni De Lima na sa nakalipas na magdamag ay sumagi sa isip niyang ’wag nang ituloy ang gagawing pagdinig tungkol sa extrajudicial killings na gaganapin sa Agosto 22 at 23 dahil ito lamang ang nakikita niyang dahilan para personalin siya at ituring na matalik na kalaban ng Pangulo ng bansa.
   
Aniya pa, tao lamang siya na nasasaktan, natatakot at nag-aalala para sa pamilya at mga mahal sa buhay.
    
“Kagalang-galang na Pangulo, Your Excellency, naisip ko na rin po na itigil na ang imbestigasyon sa mga summary executions kung iyon ang gusto ninyo para lamang matigil ang mga personal na atake sa akin. Sumagi na rin po sa isipan ko na itigil ang imbestigasyon kapalit ng katahimikan sa aking buhay. Pero kapag ginawa ko po ito ay parang tinalikuran ko na rin ang sarili kong pagkatao, at itinatwa ang sarili kong mga paninindigan at paniniwala. Hindi na po ako ang tatayong kinatawan ng bayan sa Senado. Isang huwad na anyo ko na lamang ang tatayo doon. Para ko na rin pong binaon ang aking sariling pagkatao.”
   
Sa kabila nito, muling binigyang-diin ni De Lima na umasa ang Duterte administration na magiging patas at makatwiran ang gagawin nilang imbestigasyon tungkol sa extra-judicial killings.
    
“Nanaisin namin na ang kahahantungan nito ay ang pagsisiwalat ng katotohanan sa mga nagaganap na karahasan at pagkitil ng buhay mula nang naumpisahan ang inyong laban sa droga. Sisiguraduhin namin na ang magiging resulta nito ay ang pagpapalakas ng batas para sa pagsugpo ng kriminalidad na hindi naisasantabi ang karapatang pantao, ng mga napaghihinalaan man, o ng mga inosente nating kababayan.”