6,309 guests

American singer Charlie Puth, tinamaan kay Liza

  • Written by Nitz Miralles
  • Published in Showbiz
  • Read: 1052

Kinilig ang solid fans ni Liza Soberano sa inamin ng American singer-songwriter na si Charlie Puth sa concert nito sa Kia Theater last Sunday na “I’m attracted to this young actress” na si Liza nga ang tinutukoy. Sigawan ang audience na nanood ng concert sa narinig kay Charlie Puth.

Bago ang concert, pina-follow ni Charlie sa Twitter si Liza at sa araw ng concert, nag-tweet si Charlie kay Liza ng “@liza-soberano you coming tonight?” Sumagot si Liza ng @charlieputh sorry I couldn’t make it! Hope to see you next time around.”
   
Nanghinayang ang audience na wala sa concert si Liza dahil hindi nito narinig ang pag-amin ni Charlie na attracted ito sa kanya. May TVC shoot daw si Liza last Sunday, kaya hindi nakapa-nood. Ano kaya ang reaction ni Enrique Gil dito?
   
Ilan sa hit songs ni Charlie Puth ang See You Again, Marvin Gaye at One Call Away at hit ang album nito.

* * *

Isa sa tumatak sa amin na sinabi ni councilor Chavit Singson nang humarap siya sa entertainment media ay hindi siya masamang tao.
   
“Hindi ako masamang tao. I assure you, mabuti akong tao at hindi ako corrupt. Wala akong ginalaw na pera, wala akong issue sa corruption. Lahat ng bi-nibigay na pera galing sa gobyerno, hindi ko ginalaw at napunta sa dapat pag-lagyan,” wika ni Mr. Sing-son.
   
Samantala, P12M ang ilalabas na pera ni Chavit sa Miss Universe kung wala raw mag-i-sponsor at handa siya ’pag hindi na bumalik ang P12M.
   
Pero nabanggit ang mga pangalan nina Okada, Tony Cojuangco at SM na kabilang sa sponsor at sa MOA nga ang venue ng Miss Universe. Matutulungan daw ang tourism ng bansa ’pag dito ginawa ang Miss Universe sa January 30, 2017.
   
Pagkatapos ng Miss Universe, sa movie production sasabak si Chavit. Bubuhayin niya ang Northern Star Productions at marami nang nag-submit ng script. Nabanggit nito si Eric Quizon na house director niya dahil ito rin ang director ng TV show niyang Happy Life na hindi pa airing dahil kailangang one season ang mabuo. 

* * *

Leading man material si Prince Clemente, isa sa member ng One Up Band na binuo ng GMA Artist Center. Guwapo, matangkad at positive ang dating ng 19-year-old na galing sa StarStruck 6. Umabot lang siya sa Top 28 sa SS at akala’y katapusan na ng showbiz dream niya.
   
Nang magpa-audition for One Up, nag-audition siya at nakapasa. Isa siya sa  member ng band na galing sa SS. As a solo artist, may 2-year contract sa GMAAC si Prince. Singing, dancing at acting ang talents niya. Lumabas na siya sa Once Again at magiging happy daw siya kung makakasama ang crush niyang sina Max Collins at Solenn Heussaff.
   
Ang magka-album at magka-concert ang One Up Band ang isa sa dream ni Prince at ngayon pa lang, pinaghahandaan na nila ito sa tuluy-tuloy na rehearsal.

* * *

Pinost ni Direk Mark Reyes sa social media na bukod sa pagpasok ni Conan Stevens at Mulawin sa Encantadia, marami pang sorpresa ng fantaserye. Kabilang ang pagpasok ng mga bagong karakter at guests. May magbabalik pang karakter na namatay na at marami pang ibang surprises.
   
Malapit na ring marinig ang bagong theme song ng Encantadia, abangan na lang at baka isa sa isang episode, mapakinggan na lang. Kung sino ang kakanta nito ’yun ang hindi sinabi ni direk Mark.
   
Payo ni Direk Mark sa Encantadiks, para hindi mailto sa istorya ng fantaserye, ’wag balikan ang story ng unang Encantadia dahil may mga pagbabago sa story. I-enjoy na lang ang bagong version at ’wag balikan ang unang airing ng fantaserye.

* * *

Naniwala kami sa sinabi ni Lady Ilao, isa sa producer ng Cineco Productions na hindi nila tinitipid ang paggawa ng pelikulang Mang Kepweng Returns na bida si Vhong Navarro. Basta kailangan ng location, aprubado sa kanila at pumayag din silang lagyan ng special effects ang movie sa direction ni GB Sampedro.
   
Pati sa cast, hindi nagtipid ang Cineco dahil bukod kay Vong, kasama sa movie sina Jaclyn Jose, Pen Medina, Jhong Hilario, James Blanco, Sunshine Cruz,  Juancho Trivino, Louise delos Reyes, Valeen Montenegro, Kim Domingo, Matet de Leon, Lotlot de Leon at marami pang iba.
   
Enjoy si Pen sa role niya sa Mang Kepweng dahil ’pag nagta-transform siya, nagigign si Jhong o kaya’y si Valeen siya. Bale isang tao, tatlo ang karakter niya at dahil  magaling na aktor, kayang-kaya niya ang role.
   
Intended for 2016 MMFF ang movie at naniniwala ang Cineco Prods., na  kasama si Ramon Salvador sa seven producers na mapipili ang pelikula. Kung hindi palarin, sa 2017 nila ipalalabas ang Mang Kepweng Returns.