6,334 guests

James and Kris, may gap na naman

  • Written by Aster Amoyo
  • Published in Showbiz
  • Read: 627
James Yap James Yap

MATAGAL-tagal na rin palang hindi nagkikita ang mag-amang James Yap at Bimby Aquino Yap kaya hindi pa nasasabi nang personal ng una sa huli ang tungkol sa bago nitong kapatid na si Michael James na isinilang last Monday, August 8.

Hindi man magsalita si James tungkol dito, tila may gap na naman si James sa dating asawang si Kris Aquino.

Masyadong maingat si James sa pagbibitaw ng salita na may kinalaman sa dating misis na si Kris dahil ayaw niyang ma-misinterpret nito (Kris) ang sasabihin.

Isang malapit kay James ang nagsabi na nami-miss umano ni James si Bimby na mahigit anim na buwan na niyang hindi nakikita.

Samantala, gusto ni James na maging hands-on father kay Baby Michael James na hindi niya nagawa sa dalawa niyang anak na panganay na parehong lumaki sa kanilang mga ina.
   
Gusto ni James na maging close sa isa’t isa ang kanyang tatlong anak na ang panganay ay anak niya sa kanyang non-showbiz ex-girlfriend.  Pangalawa si Bimby sa ex-wife niyang si Kris at ang pinaka-bunso si Baby Michael James na anak naman niya sa kanyang Italian girlfriend na si Michela Cazzola.
   
Kahit may anak na sina James at Michela, hindi pa umano nila pinag-uusapan ang tungkol sa kasal.

Annulled na ang kasal ni James kay Kris.

'CAMP SAWI' CAST, WORKED AND BONDED

SHOWING na on August 24, 2016 ang pelikulang “Camp Sawi" nina Andi Eigenmann, Bela Padilla, Yassi Pressman, Kim Molina at Arci Munoz at kung saan si Sam Milby ang nag-iisang leading man.  Ito’y dinirek ng baguhang director na si Irene Villamor at line produced ni Bb. Joyce Bernal for  Viva Films and N2 Productions.
   
Ang “Camp Sawi” ay kuwento ng limang babae na sawi sa pag-ibig.
   
Sampung araw ang ginugugol ng tropa sa Bantayan Island ng Cebu kaya naging close sila sa isa’t isa.
   
“We had fun while doing the movie,” pag-amin ni Andi.
   
“We bonded well habang nagsu-shoot kami sa Bantayan Island,” sabi ni Bela na a cross between Bea Alonzo at Maja Salvador.
   
Sayang at hindi nakarating si Sam sa presscon ng “Camp Sawi” dahil may taping umano ito.  Hindi tuloy siya natanong kung ano ang pakiramdam ng pagkakaroon ng limang naggagandahan at nagse-seksihang leading ladies.

LOVETEAM NINA YASSI AT ANDRE, DAPAT NANG BUWAGIN

SAMANTALA, mukhang masaya si Yassi Pressman sa kanyang paglabas sa PBB house in Vietnam. Timing naman at malapit nang ipalabas sa mga sinehan ang “Camp Sawi" kaya makakatulong siya sa promosyon ng pelikula.
   
Still on Yassi, tila napag-iwanan na siya nang husto ng co-Viva artist niyang si Nadine Lustre na kasabay niyang ni-launch sa pelikulang “Diary ng Panget” kasama sina James Reid at Andre Paras.
   
Niluluto ng Viva ang tambalan nina Yassi at Andre pero sa GMA naman ay si Barbie Forteza ang madalas ipareha kay Andre.
   
Kailangan na sigurong basagin ang team-up nina Yassi at Andre at ipareha si Yassi sa ibang ka-love-team.

OGIE, TAHIMIK PERO MAY KINIKIMKIM

HINDI man magsalita ang singer-composer at comedian na si Ogie Alcasid, halatang hindi ito masaya sa takbo ng kanyang career sa TV5.
   
Nakatakdang mag-expire ang kanyang kontrata sa TV5 ngayong August 18 at dito malalaman kung muli siyang pipirma ng panibagong kontrata with the Kapatid Network o balik-GMA siya o Kapamilya kung may offer.
   
Apparently, hindi nasunod lahat ng mga ipinangakong projects ng TV5 kay Ogie kaya mala-mang na hindi na ito (Ogie) mag-renew ng contract with the said TV network kung saan din lumipat ang kanyang kaibigan at dating kasamahan sa GMA na si Janno Gibbs.
   
Sina Ogie at Janno ay regular na napapanood sa Sunday show ng TV5 na“Happinas Happy Hour”.
   
Sa kabila na may existing contract pa si Ogie with TV5, he is allowed na mag-guest sa ibang TV networks tulad ng GMA at ABS-CBN.

MAG-EX, NAG- KRUS MULI ANG LANDAS

IT's been thirteen years magmula nang maghiwalay ang mag-ex na sina John Lloyd Cruz at Ciara Sotto at magmula noon ay hindi halos nag-krus ang landas ng dalawa at nagkani-kanya na sila pareho ng landas.
   
Sina JLC at Ciara ay muling nagkasama sa sitcom na “Home Sweetie Home” na pinagbibidahan nina John Lloyd at Toni Gonzaga kung saan naman special guest si Ciara.
   
Marami siyempre ang natuwa nang muling magkita ang dating magkasintahan na pareho nang nakapag-move on sa kanilang respective lives.
   
Si John Lloyd ay hiwalay na rin sa ex-girlfriend nitong si AngelicaPanganiban at si Ciara sa kanyang ex-husband na si Jojo Oconer.
   
Bukod kay Ciara, ang isa pang ex-GF ni John Lloyd na nag-guest sa “Home Sweetie Home” ay si Ruffa Gutierrez.  Kailan naman kaya maggi-guest sa nasabing sitcom sina Shaina Magdayao at Angelica Panganiban.