4,774 guests

Andi, matinding sakit ang na-experience kay Jake

  • Written by Leo Bukas
  • Published in Showbiz
  • Read: 370
Andi Eigenmann Andi Eigenmann

Ayon kay Andi Eigenmann nang makausap siya ng entertainment press during the presscon of Camp Sawi, pinakamasakit na break-up na nara-nasan niya ay nu’ng naghiwalay sila ni Jake Ejercito.

“Pinakamasakit po ’yon. Siyempre po,”  sambit niya.

Nahirapan din daw si-yang makapag-move-on dahil sa nangyari. Pakiram-dam daw niya noon ay wala nang kuwenta ang kanyang buhay nu’ng natapos ang relasyon nila ni Jake.

“Because for a long time, everything that you wanted to do or achieve in life had him as a big part of it. And then, taking him out of the situation, it was after the phase of heartbroken and I felt like life had no meaning anymore because he’s gone.”

Ngayon ay okey na raw siya at naka-move on na ring tuluyan.
  
“After I got out of that phase, it was more about giving myself this opportunity to find myself, to be able to know who I truly am and what I’ve lacked in myself when I was blinded by that love.
   
“And so now, getting out of the relationship, now I know that the number one thing that I have to keep is who I am as a person and who I want to become,” sabi pa ng aktres.
   
Anyway, kasama ni Andi sa cast ng Camp Sawi sina  Bela Padilla, Arci Muñoz, Kim Molina at Sam Milby. Showing na ang pelikula sa August 24 mula sa Viva Films and N2 Productions.