5,420 guests

Mabuti para sa kanila -- Zanjoe

  • Written by Vinia Vivar
  • Published in Showbiz
  • Read: 489
Cristine Reyes, Zanjoe Marudo  & Isabelle Daza Cristine Reyes, Zanjoe Marudo & Isabelle Daza

“Hindi ko alam,” ang sagot ni Zanjoe Marudo nang matanong siya kahapon sa thanksgiving presscon ng Tubig at Langis kung nakapag-move-on na siya sa break-up nila ni Bea Alonzo.

“Actually, hindi ko naman masasabi ’yun, eh, na ‘uy, naka-move-on na ako.’ Hindi, eh. Hindi ko alam, eh. Ewan ko, baka. Kasi sinasabi n’yo nga na mukha namang okay naman ako,” dagdag pa ni Z (tawag kay Zanjoe).

Pero inamin naman ng aktor na nang simulan niya ang TAL ay hindi pa raw siya talaga okay mula sa break-up.

“Nu’ng simulan ko ’to, medyo hindi ako okay last year. Kaya nagpapasalamat ako sa kanilang lahat ng cast na nandiyan, naka-suporta lang sa akin, na alam mo ’yun, pilit akong pinapasaya, inaaliw. Hanggang siyempre, wala na.

“Pinagdadaanan naman ’yun, eh. So, kaya nga pinagdadaanan, ibig sabihin, nalalagpasan, dadaan lang siya.
   
“So, nakakatuwa na ayun, matatapos ang show namin na masaya kami lahat, positive and ang daming mga blessing na dumarating,” sey ni Z.
   
Ano na ba ang estado ng puso niya ngayon?
   
“Ang estado ng puso ko ngayon, siguro, masasabi ko, masaya, masayang-masaya ako ngayon. And ayokong i-pressure ang sarili ko sa kahit ano’ng bagay dahil sa ngayon, committed ako sa sarili ko, sa trabaho  sa family,” ani Zanjoe.
   
Kumusta na sila ni Bea ngayon?
   
“Ah, hindi ko pwedeng sabihin na... kasi, siyempre, hindi naman na kami nag-uusap, hindi na kami nagkikita, pero feeling ko, okay naman kami. ’Pag nagkikita kami sa mga event, okay naman kami nagpapansinan naman kami. Friends, parang ganu’n, normal,” he said.
   
After ng presscon ay na-korner naman namin ang aktor at natanong namin siya kung ano ang reaksyon niya sa tsismis na tila nagkakabalikan na raw sina Bea at Gerald Anderson.
   
“Ano bang balita? Hindi ko alam, eh. Pero, mabuti, ’di ba? Mabuti para kay Bea, mabuti para sa kanila. At least ngayon, mas open na, mas mae-express na nila ’yung kung anumang nararamdaman nila. Kung meron man talaga,” he said.
   
Samantala, last 4 weeks na lang ang Tubig at Langis at sa simula ng presscon ay ipinaliwanag ng business unit head na si Ruel S. Bayani na isa sa mga dahilan kung bakit tatapusin na ang serye ay gusto naman nilang ibigay na kay Isabelle Daza ang oras nito dahil nga nakatakda na itong ikasal sa fiancé nito soon.
   
Magtatapos sa Sept. 9 ang TAL.

* * *

Dahil nga isinusulong ni Sen. Manny Pacquiao ang death penalty, naging very vocal si Buhay Party List Representative Lito Atienza na sabihing hindi siya pabor sa desisyon ng kaibigan. Pero hindi naman daw sila nag-aaway dahil dito.
   
“Hindi kami mag-aaway kailanman niyan. Pero I have a piece of advice to him. Na huwag mong baguhin iyong prinsipyo at paniniwala, pilosopiya sa buhay ng bawat nilalang. Na ngayon ay nandu’n ka na sa tagumpay ng pulitika lalo na, mas maraming tao ngayon ang tumitingin sa ’yo, naniniwala sa ’yo.
   
“I’m very, very sorry that Manny Pacquiao seems to be developing his own direction and thinking on the matter.
   
“Dati, madalas ko siya makausap. Somehow, para siyang salamin ni Lito Atienza dahil madalas kaming mag-usap. Ngayon, hindi ko na masyadong nakakausap. Busy siya, busy ako. But I still appeal to him to give it a second thought,” pahayag ng dating Mayor ng Maynila.
   
May tampo ba siya kay Pacman?
   
“Matatawag mo na ring pagtatampo dahil nagbago ka, eh. Nagbago ka, eh hindi maganda ’yan. Maraming naniwala sa ’yo, marami pa ring naniniwala pa rin sa ’yo, huwag mong babaguhin ang impresyon sa ’yo.
   
“You are a pro-lifer, you cannot accept the death penalty. If you really believe in what you have already fought for and people believed in you. ’Yan ang aking mensahe sa kanya,” he said.