4,858 guests

Who’s missing Kris?

  • Written by Joey Aquino
  • Published in Showbiz
  • Read: 589
Kris Aquino Kris Aquino

MUKHANG hindi na kinakagat ng publiko ang mga gimik ni Kris Aquino.

Balitang hindi gaanong pinag-usapan ang guesting nito sa morning show ni Marian Rivera na ‘Yan ang Morning. Obvious naman kasi na gusto lang niyang pag-usapan siya. Pero hindi nag-trending ito gaya nang inaasahan. Maging ang meeting niya kay Tony Tuviera ng APT ay 'di rin pinatulan ng mga netizen.  Bagaman ilang beses nang ibinalita ng ilang kasamahan sa panulat na walang offer ang APT, iba ang mensahe nito sa fans. Na para bang ipinapahiwatig niya na magbabalik Kapuso siya. Such a clever move as APT is an independent producer. It seems that the intent is to give the public an impression that she is transferring to GMA Network.

Hanggang ngayon, malaking palaisipan pa rin kung kailan siya babalik sa telebisyon. Mananatili pa rin ba siyang Kapamilya o tuluyan ng magbabalik Kapuso? Mukhang hindi gaanong ka-interesado ang viewers sa kanyang pagbabalik. Parang nasanay na rin na wala na siya sa TV. Pero 'yan ang hinding-hindi pababayaan ni Kris: Na tuluyan siyang mawala sa eksena. Siguradong inihahanda na ng kanyang kampo ang pasabog nitong pagbabalik sa TV.

Magki-click pa rin kaya siya gaya nang dati? O baka naman totoo ‘yung sinasabi ng kanyang mga kritiko na co-terminus lang din ang kasikatan niya sa administrasyon ng kanyang Kuya PNoy? Just asking...

DANIEL EXERTS HIS BEST BUT NOT GOOD ENOUGH

WALA pa rin daw improvement pagdating sa acting itong si Daniel Matsunaga.
   
Ito ang naririnig kong reaksyon sa mga kasambahay namin. Maging sa social media, ganito rin ang nababasa kong komento ng mga netizen. Dahil dito sinilip ko ang ilang episodes ng "Be My Lady", ang teleseryeng pinagbibidahan nila ni Erich Gonzales.
   
Maiintindihan namin ang pagiging foreigner ni Daniel. Kaya okay lang kung hindi pa rin siya fluent sa pagsasalita ng Filipino. Sa totoo lang, sinadya para sa kanya ang karakter niya bilang Phil para ma-justify ang kakulangan niya bilang aktor. Pero hanggang ngayon, over acting pa rin ang ipinapakitang emosyon na hinihingi ng eksena. Maihahambing namin ang acting niya sa kung paano siya magsalita ng Filipino. In fairness, Daniel exerts effort to polish his Filipino. For he knows that not all projects have characters that fit to him.
   
Nag-click ang tandem nila ni Erich ngayon. Dahil bumagay ang karakter nila sa teleserye. Magtuluy-tuloy na kaya ang pagbibida ni Daniel sa mga Kapamilya teleserye? Just asking...

Disclaimer:

Sa diwa ng malayang pamamahayag, malaya rin ang sinuman o concerned parties na tinutukoy o nasusulat sa kolum na ito para sa anumang paglilinaw o karagdagang komento at reaksyon. Mangyaring makipag-ugnayan lamang sa Just Asking thru 09179256177 or email us at justasking_pj@ yahoo.com