4,247 guests

Appointment ni Mocha sa Customs, false alarm!

  • Written by Jun Nardo
  • Published in Showbiz
  • Read: 631

CONFLICTING ang lumabas na reports kahapon na in-appoint ang singer-dancer na si Mocha Uson bilang social media consultant ng Bureau of Customs. Lumabas ito sa social media account ng isang kilalang news channel.

Then, may na-post naman na message mula sa social media account ng BOC na itinanggi ang appointment ni Uson. 

Pero allowed daw siyang mag-post sa accounts niya at blog ng anumang bagay na related sa Customs.
   
As of this writing, dahil sa false alarm na balita, kumalat ang hashtag na #DutertePleaseAppointMe na patama kay Mocha mula sa Twitter users.
   
Narito ang ilang tweets: “Masyado pong paasa si crush, puwede na siyang head ng PAG-ASA #DutertePleaseAppointMe” mula kay @masarapnaGRahAM.
   
“Nagtatanim po ako ng sama ng loob. Puwede po ba akong ma-appoint sa Department of Agrarian Reform? #DutertePleaseAppointMe” mula naman sa isang netizen.
   
“Mapanghusga po akong tao. Pwede naman akong Associate Justice sa Supreme Court #DutertePleaseAppointMe” tweet naman ng isa pang netizen.
   
Trending ang hashtag na ito, huh! Almost 5,000 na ang nag-tweet gamit ang nasabing hashtag.
   
Hay naku, bigo na naman si Mocha na mapabilang sa administrasyon ni PDuterte.        
   
Buti pa sina Arnell Ignacio, Jimmy Bondoc at Freddie Aguilar, huh! Hindi nag-flip flop sa appointment nila.

* * *

HINDI masisisi ang taong maglabas ng saloobin kay Senator Manny Pacquiao. Nangako kasi siyang hindi na mag-a-absent sa session ngayong Senado na ang upuan niya.
   
Nu’ng Miyerkules, naglaro sa PBA team niyang Mahindra si Sen. Pacquiao bilang playing coach. Then, heto ang balita na tuloy na ang pagbabalik niya sa boxing ring sa November 5 at lumutang pa ang pangalan ni Jessie Vargas na makakalaban niya.
   
Of course, ’yung balik-boksing niya, eh, wala pang personal na kumpirmasyon mula sa senador. Subalit ayon daw sa manager niya ang lumabas na balita.
   
As proven by reports, si Sen. Manny ang may pinakamaraming absences nu’ng kongresista pa lang siya, huh!
   
Kaya nang mawala siya last Tuesday, kinunan agad ang upuan niya sa Senado na bakante, eh, hindi pa tapos ang sesyon nu’ng araw na ’yon.

* * *

RATED “G” ng MTRCB ang Regal movie na That Thing Called Tanga Na. So, lahat ay puwedeng makapanood simula sa August 10, huh!
   
Universal din kasi ang appeal ng Joel Lamangan movie. Umiikot man ang kuwento sa apat na bading na ginagampanan nina Eric Quizon, Billy Crawford, Kean Cipriano at Martin Escudero, relatable naman ang kuwento nila’t nandoon pa rin ang friendship sa kanila kahit naging tanga sila sa pag-ibig.
   
Komo nga, malapit din sa mga bading si Mother Lily Monteverde at mataas ang respeto niya sa mga ito, magsisilbing regalo at tribute niya ang movie sa LGBT community.