7,259 guests

'Samboy Lim Law' ni Sen. Angara

  • Written by Marlon Purificacion
  • Published in Opinion
  • Read: 692

PUWEDE nang maging lifesavers ngayon ang lahat ng kabataan!

Ito’y matapos maisabatas ang Republic Act 10871 o kung tawagin ay CPR Law na nag-aatas sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan na isama bilang basic education curriculum ang pagsasanay sa mga mag-aaral ng cardiopulmonary resuscitation (CPR).
    
Mahalaga ang batas na ito dahil matututo na ang ating kabataan na sumagip ng buhay sa pamamagitan ng CPR.
    
Kaagad pinasalamatan ni Angara si Pampanga Rep. Yeng Guiao na isang basketball professional coach; gayundin ang Philippine Heart Association at iba pang stakeholders na tumulong para ganap na maisabatas ang CPR law na tinatawag din ngayon bilang Samboy Lim Law.
    
Naging inspirasyon para kina Angara at Guiao ang dinanas na ‘cardiac arrest’ sa basketball star na si Samboy Lim habang nasa ‘exhibition game’ noong taong 2014. Na-comatose ito ng mahigit sa isang buwan.
    
Sinabi ng mga manggagamot na kung nabigyan lamang ng CPR si Lim sa loob ng ‘three-minute window period’ ay malamang na hindi na-damage nang husto ang katawan nito.
    
Ayon kay Angara, maraming international health experts ang nagbigay ng testimonya na mas doble ang tsansang makaligtas ang sinumang dumaranas ng atake sa puso. Kagyat na nabibigyan ng maayos na daloy ng dugo mula puso hanggang utak ang bawat pasyenteng nabibigyan ng CPR.
    
“We must instill health consciousness among Filipinos, and ensure that we are equipped with the necessary knowledge and basic skills to respond to certain health emergencies,” sabi pa ng senador.
    
Aniya, magiging kapaki-pakinabang para sa kabataan ang nasabing problema dahil marami tiyak ang buhay na sakaling matuto silang mag-CPR na kalimitang ginagawa lamang ng mga doktor, nurse at iba pang rescue volunteers.
    
Sa ganang akin, malaking tulong ito sa lahat. Hindi lamang kasi dapat tayo maging handa sa anumang uri ng sakuna o trahedya na tulad ng baha at lindol, kundi pati mismo sa ating tahanan o kalapit bahay na hindi malayong magkaroon ng ‘emergency’ at manga­ngailangan ng CPR.

ONE TOWN,

ONE DOC BILL
    
Maganda naman ang panukalang batas na inihain ni Senate Minority Leader Ralph Recto.
    
Tungkol ito sa pagbibigay ng ‘scholarship program’ sa mga estudyante ng bawat munisipalidad na nais maging doktor.
    
“In short, this is a galing sa bayan, tungo sa bayan scheme of producing doctors. We pick from among the town’s best and birth tests, finance his medical studies, and when he becomes a doctor, he repays it by serving his town mates,” sabi pa ng beteranong senador.
    
Base sa pag-aaral, kulang ang bansa ng 60,000 doktor na para italaga sa ating mga pampublikong pagamutan.
 
Sakaling maging batas ito, mababawasan kahit kaunti ang pangamba ng mahihirap nating kababayan na may problema sa kalusugan.
    
Sana makakuha ng suporta ang panukalang ito ni Recto, hindi lamang sa Mataas at Mababang Kapulungan, kundi sa Palasyo ng Malakanyang mismo.