5,120 guests

Gift

  • Written by Jun Nardo
  • Published in Showbiz
  • Read: 436

Luis, sinupla ang bashers

REGALO at tribute ni Mother Lily ang gay-oriented film na That Thing Called Tanga Na sa LGBT community. Nataon kasi ang showing nitong August 10 sa kanyang birthday month ngayon. Sa August 19 ang birthday ng Regal matriarch.

Hindi itinatanggi ni Madera na simula nang pasukin niya ang movie production, napalibutan na siya ng LGBT particularly ng mga bading at tomboy. Alam niya ang creativity nila at sipag, kaya naman malaki ang naitulong nila upang maging established film company ang Regal.       
   
Sa na-produce na movies ng Regal sa loob ng mahigit  50 taon, remarkable sa box-office ang gay-themed films gaya ng Petrang Kabayo, Kumander Gringa, Bala At Lipstick. Pero nag-evolved ’yon sa mas makabuluhang proyekto kahit na nga kabadingan ang tema.
   
’Nariyan ‘yung spoof na Manay Po 1 and 2, ang Happy Together na nagustuhan ng publiko. Eh, itong TTCTN, nakasentro man sa characters na bading ang kuwento, pangkalahatan naman ang tema nito, ang pag-ibig. Kumbaga, lahat ng tao ay makaka-relate, huh!
   
Eh, swak naman ang title na pagdating sa pagmamahal, nagiging  tanga ang mga tao, huh! Maga-galing pa ang aktor na pumapel na bading gaya nina Eric Quizon, Kean Cipriano, Martin Escudero at Billy Crawford, huh!
     
So, sa magandang pagkakagawa ni Direk Joel Lamangan ng movie, proud si Mother Lily sa special gift at tribute niyang ito sa LGBT community na ngayon pa lang ay suportado na ang pelikula, huh!

* * *

PINAYUHAN ni Luis Manzano ang bashers/haters niya na huwag gamitin ang Diyos o si Mother Mary para sa kanegahan. Sinundan niya ito ng, “Maraming lugar po na bawal na ang plastic po. Fyi lang.”
   
Eh, kapag binibira ang paghu-host niya sa kasalukuyang show, sarkastiko ang naging sagot ni Luis.
   
“Nahiya naman po ako sa inyo. Nagamit niyo pa rati prayer group niyo pam-bash. May mother mary pa,” sagot ng host-actor.
   
Merong aprubado at meron ding ’di sang-ayon sa pagsagot ni Luis sa mga basher/hater niya. ’Yun siya, eh, so hayaan na lang natin nang sa gayon, eh, masupalpal naman ang mga basher na ’yan, huh!