10,636 guests

Habang may kaso pa, Cesar nabuntis ang beauty queen-GF?

  • Written by Aster Amoyo
  • Published in Showbiz
  • Read: 1338
Cesar Montano Cesar Montano

NAPAPABALITANG buntis ang current girlfriend ni Cesar Montano, ang 2009 Miss Philippines Earth na si Sandra Seifert.
   
Kasama umanong umalis ni Buboy (Cesar) si Sandra nang magtungo ito ng L.A. at Las Vegas, Nevada para sa laban nina Pacman at Mayweather na ginanap sa MGM Grand Arena last May 2 (May 3 sa Pilipinas).
   
Samantala, may mga kinakaharap pang kaso si Buboy (Cesar) na inihain laban sa kanya ng kanyang dating misis na si Sunshine Cruz.

HEART AT INA BATI NA

KUNG pagbabasehan ang mga post sa kanyang Instagram account, mukhang bati na si Heart Evangelista at ang kanyang inang si Gng. Cecile Ongpauco.  Magandang development ito dahil ito ang matagal nang inaasam ng singer-actress.
   
Hindi man dumalo ang parents ni Heart sa kasal nila ni Sen. Chiz Escudero last February 15, 2015 na ginanap sa Balesin Island sa Quezon Province, patuloy na umasa si Heart na mapanumbalik ang kanyang magandang relasyon sa kanyang mga magulang na sina G. Reynaldo at Gng. Cecile Ongpauco and eventually matanggap na rin ng mga ito ang kanyang asawang senador na si Chiz Escudero.

DINGDONG, KINO-CONSIDER SA SENATORIAL LINEUP NI PNOY

SA buwan ng Nobyembre nakatakdang isilang ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera ang magiging panganay nila ng husband niyang si Dingdong Dantes.
   
Tiyak na magiging masaya ang darating na Pasko ng mag-asawa dahil may karagdagan na sila sa kanilang binuong pamilya.
   
Samantala, todo ang tanggi ni Dingdong na tatakbo siya sa pagka-senador sa darating na 2016 elections dahil wala umano sa plano niya ang pulitika.
   
Sa pagkakaalam ng marami, isa si Dingdong sa mga kinu-consider ng Liberal Party ni Pangulong Noynoy Aquino sa line-up ng pagkasenador.

KUYA GERMS, NAGPAPALAKAS PA

TANONG ng marami: kelan daw ba babalik sa kanyang programang “Walang Tulugan with the Master Showman” ang main host na si German `Kuya Germs’ Moreno?
   
May ilang linggo na rin kasi siyang nagbalik sa kanyang daily radio program sa DZBB.
   
Nagpapalakas pa si Kuya Germs at tuluy-tuloy pa rin ang kanyang therapy.
   
Mahigit apat na buwan na ring wala si Kuya Germs sa kanyang 19-year- late night show.    Pansamantala munang humahalili sa kanyang pwesto ang pamangking singer-TV host-actor na si John Nite.

PIOLO STILL A BACHELOR: MATUTUPAD BA ANG PANGAKO?

PIOLO Pascual remains the most elusive bachelor up to this day matapos ang controversial break-up nila ni KC Concepcion years ago.  Minsan ding na-link si Piolo kay Shaina Magdayao pero hindi ito nag-prosper.
   
So, paano tutuparin ni Piolo ang kanyang pangako na siya’y mag-aasawa na bago pa man siya umabot sa edad na 40 o di kaya kapag 18 na ang anak niyang si Iñigo?
   
And who’s the lucky girl na papakasalan ni Piolo?