6,123 guests

Nainis!

  • Written by Nitz Mirallez
  • Published in Showbiz
  • Read: 1066

Aktres na atat lumipat, inunahan ng network

Sharon, sasabak sa soap opera

Makikita at mai-interview ng press si Sharon Cuneta sa awards night ng 6th Golden Screen TV Awards ng Entertainment Press o Enpress na gaganapin sa Carlos P. Romulo Auditorium, RCBC Plaza sa April 26. Matatanong na rin ito kung totoo ang tsikang after ng Your Face Sounds Familiar, soap ang next project niya sa ABS-CBN.
   
First time gagawa ng soap (if ever) si Sharon at siguro naman, ready siya sa puyatan. Sa June daw  gagawin ang soap.
   
Samantala, very grateful si Sharon na sa kanya ibinigay ng Enpress ang Dolphy Lifetime Achievement Award this year.
   
Sa post ng aktres sa Facebook, nasa Thailand siya nagri-relax, pero tiyak ang pagdalo sa awards night para personal na tanggapin ang special award niya.
   
Tatanggapin naman ni Ronaldo Valdez ang Helen Vela Lifetime Achievement Award for Drama. Si Che Che Lazaro ang tatanggap ng Helen Vela Lifetime Achievement Award for News Broadcast.
   
Si Quezon City District 2 Councilor Roderick Paulate ang tatanggap ng Helen Vela Lifetime Achievement Award for Comedy.
   
Hosts ng awards night sina Iza Calzado at John Lapus, Janno Gibbs at Ogie Alcasid. Represented nila ang ABS-CBN, TV5 at GMA-7.

* * *

Hindi na ni-renew ng network ang kontrata ng isang aktres after mag-expire. Wala silang in-offer na bagong kontrata, kaya wala na ang aktres sa cast ng show na extended.
   
Ang karakter lang ng aktres ang nawala sa cast at final na ang pagbababu ng karakter niya. Hindi totoong ibabalik pa.
   
Nainis siguro ang management ng network tuwing ini-interview ang aktres dahil kahit may kontrata pa sa kanila, laging binabanggit ang kagustuhang lumipat sa ibang network.
   
May maganda raw offer sa kanya ang nasabing network at willing siyang magtrabaho roon.
   
Ngayong wala nang kontrata sa istasyon na nagbigay sa aktres ng sunud-sunod na shows, kunin pa kaya siya ng gustong lipatang network?
   
Bukas pa kaya ang pintuan nito sa kanya? Kung sarado na rin, pause muna ang career ng aktres.

* * *

Hindi lang ang loveteam nina Ruru Madrid at Gabbi Garcia ang kakikiligan sa Let the Love Begin dahil siguradong kikiligin din ang viewers sa loveteam nina Ai-Ai de las Alas at Gardo Versoza.
   
Sa teaser ng series, mas sweet pa sila kesa kina Ruru at Gabbi at “cupcake” ang tawagan sa IG account ng aktor.
   
Gaganap na radio disc jock sina Ai-Ai at Gardo, in love si Ai-Ai kay Gardo at ang ibang tsika tungkol sa show, malalaman ’pag nanood kayo simula May 4.
   
Si Ai-Ai ang gaganap na ina ni Ruru at si Gardo ang gaganap na ama ni Gabbi.
   
Ang Let the Love Begin ang first show ni Ai-Ai sa GMA-7, pero lumabas na siya sa Startalk at Sunday All Stars.
   
Natuwa raw ito dahil nag-trending ang guesting niya sa SAS pati ang pagpirma niya ng kontrata, first time nag-trending.
   
Ibinalita na rin ni Ai-Ai na makakakuha na ng ticket sa free concert niya sa May 16 sa Skydome.
   
Sa Zirkoh, T. Morato makukuha ang tiket, dalhin lang ang ticket na nabili n’yo sa hindi natuloy niyang concert.

* * *

Kahit one week lang ang extension ng Once Upon A Kiss, masaya ang fans nina Miguel Tanfelix at Bianca Miguel.
   
Sa halip na sa April 24, sa May 1 pa ang final episode ng soap. Happy ending ang hiling nila sa mga writer at kay Direk Joyce Bernal. 
   
Ang ayaw lang ng BiGuel fans ay ang tsikang after ng Once Upon A Kiss, paghihiwalayin muna ng GMA-7 sina Miguel at Bianca.
   
Gagawin ito para hindi pagsawaan ang loveteam nila at para panabikan ang kanilang next project.

Leave a comment

Make sure you enter all the required information, indicated by an asterisk (*). HTML code is not allowed.