9,658 guests

Heart, walang sama ng loob kay Angelica

  • Written by Vinia Vivar
  • Published in Showbiz
  • Read: 1295

Minsan pa ay nilinaw ni Heart Evangelista na hindi totoong hindi niya inimbita ang kaibigang si Angelica Panganiban sa kasal nila ni Sen. Chiz Escudero.

May post kasi sa Instagram account si Angelica na hindi raw siya in-invite ni Heart sa lahat ng wedding celebrations nito at say pa niya, baka raw nakalimutan na lang siya ng kaibigan.
   
Ayon kay Heart ay nabasa niya ang post na ’yun ni Angelica at ewan nga raw niya kung paano nangyari ’yun.
   
“I don’t want to elaborate so much, but I did... we had... I don’t know too, kasi we talked for 30 minutes before anything else,” sabi ni Heart sa opening ng bago niyang endorsement na Uncle Tetsu Cheese Cake sa SM Megamall.
   
Sa pag-uusap nilang ’yun ay inimbitahan daw niya si Angelica pero ang sabi raw ng kaibigan sa kanya ay nasa Japan siya nang araw na iyon kasama ang boyfriend na si John Lloyd Cruz and his family.
   
“And I asked her again for the reception if she’ll be there kasi different day naman ’yun, she said that she’d still be in Japan, so hindi ko na siya kinulit,” kwento pa ni Heart.
   
So, inimbita niya naman pala?
   
“Definitely. Although I didn’t print anymore an invitation but personally, we were on the phone for 30 minutes.”
   
Nabalitaan daw niya sa isang friend na ang dahilan daw ni Angelica sa hindi pagpunta ay dahil hindi niya ito kinulit.
   
“But I mean, you know, I had other issues, too, I had my parents (issue) ongoing, so I will think that she will not take it into heart that I didn’t keep calling her but hindi ko lang personality ’yung mangulit na ‘go, go, go’, ’di ba?” say pa ni Heart.
   
When asked kung may samaan ng loob na namamagitan sa kanila ngayon, ani Heart ay matanda na raw sila para diyan.
   
“If you cannot make it, then you cannot make it, it’s okay. We have a whole life, may binyag pa, may ninang-ninangan moment pa, so it doesn’t stop there. So I hope she doesn’t take it to heart na hindi ko siya tinawagan ulit-ulit, sana wala naman, kasi ako for me, okay lang, wala naman din,” she said.
   
Sa iba pang bagay naman, nilinaw din ng entertainment press kay Heart ang isyung balak niyang tumakbo sa Sorsogon at mahigpit niya itong pinabulaan.
   
“I have nothing against artistas running for politics but I don’t see the point to run. Isa na lang siguro ’yung politiko sa buhay namin, okay na siguro,” say niya.
   
Ang priority raw niya next year is to be a mom na this early ay pinaghahandaan na niya.

* * *

Gusto na ni Eula Caballero na maging open sa publiko when it comes to her love life kaya inanunsyo na niya na she’s into a relationship with Christian Samson na kasamahan niya sa Star Factor, ang talent search sa TV5 aired in 2010 kung saan ay siya ang naging grand winner.
   
Ayon kay Eula nang makausap namin sa pocket presscon para sa bago niyang Wattpad episode na Lady in Disguise with Steven Silva, matagal na raw niyang tinututulan ang sistema sa showbiz na hindi puwedeng umamin at hindi puwedeng gawin ang gustong gawin and this made her life sad kaya ngayon ay gusto na niyang maging open about it.
   
On and off ang naging relasyon nila ni Christina. During Star Factor days ay nagliligawan na sila and eventually ay naging sila. Pero nag-break sila at nagkaroon sila ng ibang karelasyon.
   
“He had a girlfriend and I dated someone, pero parang I was so unhappy. He went to America and then, na-hang na naman ulit. Now, he’s here in the Philippines, he just came home, March 18.”
   
Matagal-tagal na ring nag-quit sa pag-aarista si Christian at ngayon daw ay nasa fillmaking daw ito.
   
What made her decide na i-open na ang relasyon nila?
 
“Ang sinusundan ko na lang po ngayon is that there’s no one else I have to please but God.”
   
Dati raw kasi ay hindi siya makakilos nang gusto niya without getting the approval of other people at sinakyan na lang daw niya ang ganu’ng sistema.
   
Pero nilinaw naman niyang hindi ang TV5 ang nagbabawal sa kanya kungdi ibang tao.
   
“Kasi ano ako… pumasok ako sa showbiz na wala akong kaalam-alam. So, tinanggap ko lahat ng sasabihin sa akin. Even people would tell me, ‘You have to be maputi, sexy, ganyan.’ All of those, tinanggap ko, parang sinakyan ko lahat ng requirements,” say ng Prinsesa ng TV5.
   
Ngayon daw ay very happy and very inspired siya ngayong bumalik na siya sa right path.
   
Samantala, pang-apat na Wattpad episode na ni Eula ang Lady In Disguise na magsisimula na sa April 6. Bukod kay Steven ay kasama rin niya rito si Bret Jackson.

Leave a comment

Make sure you enter all the required information, indicated by an asterisk (*). HTML code is not allowed.