6,541 guests

Jericho, mas priority ang pag-aaral ng Filmmaking kesa magka-baby

  • Written by Vinia Vivar
  • Published in Showbiz
  • Read: 284

May shooting si Jericho Rosales ng pelikula nila ni Bela Padilla na Luck at First Sight sa Feb. 14 kaya wala raw silang Valentine celebration ng asawang si Kim Jones.

“Saka, si Kim may work. Eh, ang Valentine’s Day naman, pwede mo naman ’yan i-celebrate everyday, right?” sey ni Echo nang  makatsikahan namin sa set visit ng Luck at First Sight.

Three years na rin silang kasal ni Kim kaya natanong namin ang aktor kung wala pa ba silang plans na magkaroon ng baby.
   
“Parang hindi pa lang namin priority, parang ganu’n. May time pa naman, eh. Bata pa naman si Kim, eh,” he said.
   
Siyempre, may plano naman pero kapag ready na raw siguro si Kim at pati na rin siya.
   
“Kasi ako, like this year, mas malaki ang plano ko. Gusto kong mag-aral muna at mag-produce. Medyo gusto kong mag-concentrate sa film.”
   
Balak daw niyang mag-aral ng Filmmaking. Gusto nga raw sana niya sa New York pero baka raw sa UP na lang para hindi na siya lumayo.
   
“Kasi, matagal ko nang plano ’yun. Pero this year talaga. Parang gusto ko nang tapusin ’yung procrastination ko, eh.”
   
Sobrang na-inspire raw siya sa team ni Direk Dan Villegas (na direktor niya sa Walang Forever at ngayon ay sa Luck at First Sight), at dito raw niya na-realize na ito ang klase ng grupong gusto niyang kasama.
   
“’Yung ganitong ginagawa, ’yung involved ka, welcome ka sa ideas mo, ’yung ganu’n,” he said.
   
’Yun nga lang, may offer siya for a TV series sa ABS-CBN kaya hopefully, kung payagan daw siya ng network, gusto niyang i-push through muna ang mga plano niya.