4,947 guests

Yap at Poon, nagsama sa isang kilig album!

  • Written by Leo Bukas
  • Published in Showbiz
  • Read: 398

MAY  bagong album si Richard  Yap at ang crooner na si Richard Poon ang kasama niya sa isang collaboration album na ang title ay Richard x Richard.

Sa interbyu namin kay Richard, ibinahagi niya kung ano ang unang kanta na natutunan niya  at kung sinu-sino ang kanyang musical influences.

“Ang parati kong pina-pakinggan dati ay ’yung Bohemian Rhapsody ng Queen. Meron kaming turn table dati, tapos may single yon, eh, so parati kong pinapa-play ’yon.
    
“Pagdating naman sa musical influences, hindi Queen. More on… I always listen to Carpenters, Kenny Rogers, Bary Manilow, yung mga ganu’n, more on the mellow side, saka ’yung mga Lou Rawls.”
    
Yap started his career in showbiz as an actor sa Be Careful With My Heart. Pero kahit naging singer daw siya, hindi naman nadagdagan ang kanyang income sa showbiz.
    
“In terms of kita, hindi siya masyadong nakadagdag. It just adds on to your marketability as a person, as an actor. Kasi pag may promo, mall shows, you can sing.
    
“Pero kung sasabihin mo na nakakadagdag… mahirap kasing kumita ngayon sa recording industry because mahirap magbenta ng CDs.
    
“Siguro kung nagsu-show ka palagi like Richard Poon. Like if you’re doing it regularly at yon ang main source of income ko, pero if you’re just like doing it to sell CDs medyo mas mahirap kumita,” katwiran ng singer-actor.
    
Naikuwento rin ni Richard na nasubukan na niyang umarte sa stage play noon pero ayaw na raw niya itong balikan ngayon.
    
“I tried doing a play when I was in high school. Nag-play ako na binibenta talaga ’yung tickets and then there were two of us who were doing the lead roles. But I think it takes too much time and discipline to be a theater actor.
    
“Kasi there’s no take one, take two. ’Pag nando’n ka na on stage ang hirap, eh. I feel that I have too much on my plate already that I cannot  transition to something like that anymore.
    
“I think, okey na ako kung nasaan ako ngayon because aside from acting and singing   I also have to take care of the business that I do, so tama na siguro ’yon,” sambit pa niya.
    
Thankful naman si Richard na pumayag makipag-collaborate sa kanya si Poon.
    
“Malaki ang pasasalamat ko kay Richard because he taught me a lot while we’re doing the concert (last year) at pumayag siyang mag-collaborate kami sa isang album kahit na hindi talaga ako singer,” he said.
    
Samantala, laman ng Richard x Richard ang 10 love songs -- limang inawit ni Poon -- Love Boat, Can’t Smile Without You, Grow Old With You, The Last Time at Goodbye at lima rin ni Yap -- You’ll Never Find Another Love Like Me, Nothing’s Gonna Change My Love for You, You Can’t Hurry Love, Don’t Know What to Do, Don’t Know What to Say at Promise Ain’t Enough.
 
Ang album ay prinodyus ni Rox Santos ng Star Music at ng Cornerstone Music Inc.

* * *

INAABANGAN na sa 22nd anniversary ng ASAP ang pagbabalik ng 90s dancing queen at Miss Universe 1993 na si Dayanara Torres ngayong Linggo (Feb 5).
    
Tunghayan ang must-see reunion ni Dayanara kasama ang kanyang original co-hosts na sina Mr. Pure Energy Gary Valenciano at Concert King Martin Nievera.
    
May reunion din ang ASAP Champions na kinabibilangan nina Sarah Geronimo, Erik Santos at Jed Madela.
    
Tuluy-tuloy naman ang selebrasyon sa mga bigating pasabog ng ASAP Birit Queens at ASAP Divas.
    
Makikihataw din sa ultimate dance showdown sina Maja Salvador, Shaina Magdayao, Rayver Cruz, John Prats, Mickey Perz, Saicy Aguila, Gab Valenciano, Bugoy Carino, Enchong Dee, Sam Concepcion, Kim Chiu at Gerald Anderson.
    
Tampok din sa ASAP ang mga bida ng pelikulang My Ex and Whys na sina Liza Soberano at Enrique Gil.