7,847 guests

Pagbubuntis ni Kylie, blessing -- Vin

  • Written by LITO MAÑAGO
  • Published in Showbiz
  • Read: 442

... isyu ng pakikipag-live-in kay Sophie, dinenay ng aktor

NAG-DENY ang aktor na si Vin Abrenica tungkol sa isyung nagli-live-in na sila ng (ex) girlfriend na si Sophie Albert. 

Nilinaw ito ng utol ni Aljur Abrenica sa grand presscon ng Moonlight Over Baler ng T-Rex Entertainment Productions na showing sa February 8.

“Ay, sinong may sabi?” tila nagulat pa sa tanong ang aktor. “Kung sinuman ang nagtsi-chika na nagli-live-in kami, I think naman before siya magsalita, isipin muna niya ’yung sinasabi niya. I can invite you guys sa bahay at wala kayong makikitang gamit ni Sophie roon.”
   
Idinaan ni Vin sa pagbibiro at tinawan na lang niya ang ibinatong isyu sa kanya.
   
“Baka ang Kuya (Aljur) ko at hindi ako ’yun.”
   
Nagbigay din ng pahayag ang former Artista Academy grand winner tungkol sa pagbubuntis ng Encantadia star na si Kylie Padilla, girlfriend ng kuya niyang si Aljur.
   
“’Yung nangyari sa kanya (Aljur), I think it’s a blessing. Hindi siya bad thing... We all have choices but ’yung pagbubuntis na ’yun, I don’t know if it’s planned or not. Pero para sa akin, a baby is always a blessing for the family.”
   
Malaki rin ang paniniwala ni Vin na nasa tamang edad na ang kanyang kapatid to settle down and get married.
   
“Kuya naman is of age. He’s 26 and he can do whatever he wants,” turan ng aktor.
   
After TV5, masaya raw si Vin na nabigyan siya ng chance sa ABS-CBN. Nasa cast siya ng Wildflower nina Maja Salvador, RK Bagatsing at Joseph Marco.
   
Join din siya sa concert nina Michael Pangilinan, RJ Agustin at Lance Edward sa Music Museum sa February 25.

* * *

FEELING lucky ang baguhan at GMA Artist Center contract star na si Aaron Garcia Yanga dahil sa pagkakataong ibinigay sa kanya ng direktor na si Gil Portes sa Moonlight Over Baler ng T-Rex Entertainment Productions.
   
“I play the young Jamie (played by Menggie Cubarrubias), isang guerilla nu’ng time ng hapon, isa sa masusugid na manliligaw ni Fidela (Sophie Albert) tapos nagkaroon kami ng relasyon dito. Parang love triangle kami rito,” kuwento niya.
   
Pasok din siya sa Dear Uge, topbilled by comedienne Eugene Domingo at napapanood tuwing Sunday, pagkatapos ng Sunday PinaSaya, at ginagampanan daw niya ang role na isang policeman.
   
“As a policeman, loveteam ako ni Ms. Eugene kaso parang nalilimitahan ’yung role ko roon, so, hindi nila masyadong malaro,” anang 23-year-old newbie.
   
Dagdag niya, “Natutuwa naman po ako dahil naghahanap sila ng bagong role para sa akin at isu-shoot na namin ito this week.”
   
His biggest break, ayon kay Aaron, was a lead role in Wagas on GMA News TV opposite Kris Bernal.   Hindi naman daw siya nagmamadali at masaya na rin siya sa oportunidad na dumarating sa kanya.
   
Sa Moonlight Over Baler, Aaron co-stars with  Elizabeth Oropesa, Vin, Sophie, Ellen Adarna, Daria Ramirez, Kate Alejandrino, Abel Estanislao, Angie Ferro at marami pang iba.