5,166 guests

Iza, hinihintay na lang ang proposal ng BF

  • Written by Aster Amoyo
  • Published in Showbiz
  • Read: 696

IZA Calzado and her British entrepreneur  boyfriend Ben Wintle celebrated their 5th anniversary as sweethearts last January 24.

At 34, sobra nang hinog si Iza para mag-asawa pero mukhang naghihintay pa siya sa proposal ng kanyang nobyo.

Si Ben na co-founder ng restaurant finder app Booky ay nakilala ni Iza sa isang magazine event in 2011 hanggang sa nagsimula na silang mag-date.
   
Parehong naka-focus sa kanilang respective career sina Iza at Ben kaya mukhang nakakaligtaan nilang pag-usapan ang pag-settle down.
   
Si Iza ay regular na napapanood sa bagong primetime TV series ng Dos, ang “A Love To Last” na pinagsasamahan nila nina Ian Veneracion at Bea Alonzo.

VIC AT PAULEEN, SA AFRICA NAG-CELEBRATE NG FIRST WEDDING ANNIVERSARY

KUNG hindi man napapanood lately si Vic (Bossing) Sotto at ang misis niyang si Pauleen Luna-Sotto sa long-running noontime show na “Eat Bulaga,” ito’y dahil nasa bakasyon ang dalawa  sa Africa to celebrate their first wedding anniversary on January 30.  Kasama ng mag-asawa ang isa sa mga kapatid ni Vic na si Maru Sotto at wife nitong si Mabel.
   
Baka raw sa Africa ay makabuo na ang mag-asawang Vic at Pauleen ng kanilang much-awaited first baby.
   
Nagbalak din sanang magtungo ng Jerusalem ang mag-asawa nung Christmas holidays pero hindi ito natuloy dahil sa January 1 wedding ng bunsong anak ni Bossing (kay Angela Luz) na si Paulina Sotto sa non-showbiz husband nito ngayong si Jed Llanes.
     
Sa kabila ng pagiging busy nina Vic at Pauleen sa kanilang respective career ay nagsisingit sila parati ng bakasyon either sa ibang parte ng Pilipinas o sa ibang bansa.
   
Samantala, kahit hindi pinalad si Vic na makapasok sa 2016 Metro Manila Film Festival, plano pa rin nitong sumali sa 2017 MMFF.

STEVE, SINISIGURONG ’DI NA MAGKAKAMALI

KAGABI, January 26 ginanap ang swimwear and long gown competition, ang  preliminary judging kung saan kukunin ang Top 12 among the 86 candidates ng Miss Universe.
   
Ang mga tumayong judge sa preliminary competition ay ang 1993 Miss Universe na si Dayanara Torres, si Cynthia Bailey, dating modelo at founder ng The Bailey Agency (a modeling and fashion school), Fred Nelson, president and executive producer ng People’s Choice Awards, Francine LeFrak, isang social entrepreneur at si Riyo Mori, ang  Japanese 2007 Miss Universe.  Isa rin siyang actress, model at dancer.
   
Ang reigning Miss Universe na si Pia Wurtzbach at ang actor na si Derek Ramsay ang mga tatayong host sa Miss Universe preliminary competition.
   
By today ay alam na kung sinu-sino ang pumasok sa Top 12 ng ika-65 Miss Universe competition.
   
Ang coronation day ng Miss Universe ay gaganapin sa SM MOA Arena sa darating na Lunes, January 30 sa ganap na ika-8 ng umaga until 11 a.m. and will be beamed in almost 200 countries.
   
Although may kani-kanyang bet na ang mga tao kung sino ang gusto nilang manalong 2017 Miss Universe, wala pa rin itong katiyakan until during the final coronation day.
   
The coronation day ng ika-65th Miss Universe will be hosted by Steve Harvey and model Ashley Graham with 2010 Miss Universe 4th runner-up Venus Raj and Bretman Rock hosting the red carpet event.
   
Miss Universe Organization is making sure na hindi na mauulit ang pagkakamali ni Steve Harvey sa pag-announce ng totoong winner just like what happened sa 2015 coronation night nang tawagin niya ang pangalan ng Miss Colombia na si Adriadna Gutierrez as the Miss Universe winner sa halip na pangalan ni Pia Wurtzbach.  Para sigurado, may co-host na si Steve, si Ashley Graham.

DIREKTOR, NABASTUSAN SA BISITA SA SET

NALUNGKOT ang director ng “Encantadia”  na si Mark Reyes dahil nag-leak sa social media ang litrato ng pagkamatay ng isa sa mga Sang’gre na si Reyna Amihan na ginagampanan ng buntis ngayong si Kylie Padilla.
   
Narito ang post ni Direk Mark sa kanyang Facebook account:  “Sadly, a disrespectful  ‘guest’ on our  set leaked this photo.  I would like to point out that this picture does not end the story of Kylie’s Amihan.  There are still  a lot of stories to tell between Amihan, Ybrahim, Lira and her sisters.  Don’t be disheartened. THIS NOT THE END of Kylie in the show.  Keep believing in the power of Encatadia.  We will have a lot of magic to do.”
   
For sure, apektado rin ang production and cast ng “Encantadia” sa biglang pagbubuntis ni Kylie na isa sa mga bida ng serye kaya kailangang baguhin nila ang takbo ng script para hindi makaapekto ang pagkawala sa serye ni Reyna Amihan (Kylie).

AGE GAP, ’DI PROBLEMA KAY LUIS AT GF

IT was in May 12, 2016 nang mag-propose ang actor na si Luis Alandy  (36) sa kanyang non-showbiz girlfriend na si Joselle Fernandez (23) sa Lake Tahoe, USA.  Sa Susunod na buwan (February) ay ikakasal na ang dalawa sa isang intimate Christian garden wedding sa isang lugar sa Tagaytay.
   
Although taga-showbiz si Luis, kaunti lamang umano sa mga bisita nila ang magmumula sa showbiz.
   
Ang soon-to-be-wife ni Luis ay nakilala niya sa isang event.
   
After the wedding ay ipo-postpone muna nila ang kanilang honeymoon dahil may bagong seryeng gagawin si Luis sa bakuran ng Kapamilya Network, bagay na nauunawaan naman ni Joselle.
   
Thirteen years ang agwat ng edad nina Luis at Joselle pero hindi umano ito issue sa kanilang dalawa.

CHRISTIAN, SIKAT PA RIN SA IBANG BANSA

HANGGANG ngayon ay kilalang-kilala pa rin ang Filipino balladeer and hitmaker na si Christian Bautista sa iba’t ibang bahagi ng Asya tulad ng Indonesia, Malaysia, Singapore at Thailand.
   
Last Sunday, January 22 ay pinagkaguluhan si Christian sa Emporium Pluit Mall ng Indonesia nang ito’y dumalo sa isang musical fashion event na dinaluhan din ng ibang Indonesian stars.
   
Ang mga album ni Christian sa Pilipinas ay naging topseller din sa iba’t ibang bahagi ng Asya laluna ang kanyang self-titled debut album kung saan hango ang kanyang signature hit na “The Way You Look at Me”.

LEA,PANOORIN KAYA SI RACHELLE ANN?

KUNG pinanood ng award-winning Broadway and West End star na si Lea Salonga ang re-staging ng “Miss Saigon” sa West End two years ago, panoorin din kaya niya ang re-staging ng “Miss Saigon” sa Broadway sa darating na Marso?
   
Of course, everybody knows na si Lea ang original star ng “Miss Saigon” both sa West End at Broadway playing the role of the Vietnamese character na si Kim, ang role na gagampanan ng US-based Filipina na si Eva Noblezada habang si Rachelle Ann Go naman ang muling gaganap sa papel na Gigi van Tranh na kanya ring ginampanan sa West End in 2013.