4,825 guests

Bong at Jinggoy, masaya pa rin ang Pasko kahit nakakulong!

  • Written by NEL ALEJANDRINO
  • Published in Showbiz
  • Read: 435

O, HOW was your Christmas celebration nu’ng Sunday, Ian F.? Yes, despite the threatening typhoon Nina. Kahapon ay signal no. 2 na raw dito sa Metro Manila according sa PAGASA report. Ingat tayo. 

Well, natuloy din palang umalis sina Ian Veneracion and his family for Iceland, where Jodi Sta. Maria and her son Thirdy, ay naroroon din with reportedly Cavite Vice Governor Jolo Revilla, para doon mag-Pasko. 

Iceland, of course, is the large island in the North Atlantic between Greenland and Scandinavian.
   
Most recent visitor doon si Ruffa Gutierrez who describes the place as a republic na bukod sa island ng Iceland ay marami pang smaller islands.
   
Well, again, Jodi and Ian were together in the film The Achy Breaky Hearts.

* * *

Kami naman, earlier during the day, yes, of December 25, nina Chit, her daughter Farah and my assistant Josie were at the Custodial Center of the PNP para bumati nang personal kina Senators Bong Revilla and Jinggoy Estrada, who are celebrating Christmas inside the detention center for a supposed charge, na ewan kung bakit hanggang ngayon ’di pa ma-resolve-resolve.
   
We were later joined by Lolit, Gorgy at Allan. Tanging si Bacoor Mayor Lani Mercado, Sen. Bong’s wife, ang nadatnan namin among his relatives.
   
A little later, dumating ang kanilang panganay na si Bryan with his dermatologist girlfriend.
   
Punumpuno ng sigla ang mag-asawa habang inaasikaso nila ang kanilang mga bisita kabilang ang dating aktres na si Deborah Sun, na eager na eager makabalik sa showbiz.

* * *

Sa parte ni Sen. Jinggoy, namataan namin ang mga kapatid niyang sina Jude (Estrada), kasama ang asawa at anak, at kapatid na babae na si Jackie.
   
From Sen. Jinggoy, we learned na pagaling na ang kanyang daddy, former president-turned-Manila Mayor Joseph Estrada, na nagkasakit ng pneumonia.
   
Later, sabay-sabay na kami nina Lolit pumunta ng Greenhills for the 80th birthday celebration ng better-half ni Mother Lily, si Father Remy, sa Gloria Maris.
   
Tanging si Annabelle Rama ang celebrity na namataan naming  bisita. Galing daw siyang Cebu.
   
From Mother Lily, we learned na 55 years na silang mag-asawa ni Father Remy at biniyayaan sila ng limang anak at pitong apo.
   
Ang panganay niyang apo na si Keith, anak ni Roselle, na siyang big boss na ngayon ng Regal Entertainment, na isang abogado at sa Amerika nagpa-practice ng kanyang propesyon, ang tanging may asawa na.