9,394 guests

Public apology

  • Written by Vinia Vivar
  • Published in Showbiz
  • Read: 467
Sunshine Dizon Sunshine Dizon

Tinanggap ni Sunshine Dizon ang public apology ng estranged husband na si Timothy Tan na inilabas ng kampo nito last Friday.

Ang public apology ni Tim ay lumabas sa Philippine Entertainment Portal (PEP) online showbiz magazine and it read:

“With profound remorse, I sincerely apologize for the pain and embarrassment I have caused my wife Sunshine and our two children.

“I deeply regret having been the cause of their suffering.

“I assure Sunshine that my family is very important to me.

“I will do whatever it takes to avoid similar incident in the future.”
   
Sa statement ni Sunshine na pinadala ng PPL Entertainment sa amin last Friday afternoon din, nakasaad na alang-alang sa dalawang anak nila at sa diwa ng Pasko, tinatanggap niya ang paghingi ng tawad ng asawa.
   
Pero kasabay nito ang paglilinaw na hindi sila nagkabalikan ng asawa.
   
Narito ang kabuuang statement ni Sunshine:
   
“I appreciate Tim’s public apology, and I accept it in the spirit of Christmas and for the sake of our two children.
   
“I want to clarify that we have not reconciled. Everything we do at this point is simply for the best interests and welfare of our children.
   
“I will issue a  lengther statement after the holidays. For now, I am just relieved that my children and I can enjoy the holidays in peace.”

* * *

Masaya si Gerald Anderson na na-meet na niya ang family ni Bea Alonzo. Sa recent interview sa aktor ay puring-puri niya ang pamilya ng rumored girlfriend.
   
“Mabait sila, eh. Mabait silang lahat, eh. Sobrang close sila and happy lang ako na nakilala ko sila sa ganu’n. And I’m very ano, sobrang privileged ako,” sabi ni Gerald.
   
Nag-level up na nga ba ang relasyon nila ngayon?
   
“Ako naman, eh, nagti-take advantage ako bawat pagsasama namin, kasi siyempre, busy kami pareho, so importante ’yun sa akin,” he said.
   
Up to now ay wala pa ring opisyal na pag-amin sina Gerald and Bea kung sila na ba although pareho nilang inaamin na lumalabas naman sila together.
   
Ayon kay Gerald ay hindi naman sila nagmamadali at happy sila kung anumang meron sila ngayon.
   
Itong 2016, ani Gerald ay naging maganda naman sa kanya at naging happy siya sa lahat ng nangyari.
   
“Masaya lang po ako sa ginagawa ko sa 2016 and doble po ’yung gagawin ko sa 2017.”
   
Wish ni Gerald na magpatuloy pa next year ang mga blessings at siyempre, more projects pa rin daw sana.
   
“At sana, sa personal life, mas masaya,” hirit pa ng aktor.