5,087 guests

Pag-ipit ni Paolo kay ‘jun-jun’ nagbunga!

  • Written by Jun Nardo
  • Published in Showbiz
  • Read: 507
Paolo Ballesteros Paolo Ballesteros

NAKALAMANG ang festival movie na Die Beautiful sa pitong iba pang entries.

Aba, front page ang karosa nito pati na ang bidang si Paolo Ballesteros sa halos lahat ng dyaryo kahapon, huh! Dagdag na tulong ito sa publisidad ng pelikula, huh!

Ang galing ding mang-ipit ni Pao ng kanyang “jun-jun”, huh! Perfect!

Nagdusa man siya sa paglalagay ng packing tape sa katawan at kadera, nag-landing naman ang ganda niya sa mga newspaper!

Ngayong Pasko ang paglantad ng kagandahan ni Paolo sa big screen.

Kahapon ay may luma-bas na link na nag-iimbitang panoorin ang movie sa Facebook. Hindi pa man showing ay pinipirata na, huh!

Mabuti na lang, agad itong nalaman na hoax lang pala na ’pag klinik ay may virus. So ’wag padadala sa link na ito kapag nakatanggap kayo ng link.
   
Mas bonggang pano-orin ang Die Beautiful sa big screen!

* * *

FINALLY, mapapanood na ang trailer ng Ang Lara-wan: The Movie ngayon sa sinehan at sa on-line.
   
Tuwing makikita namin si Girlie Rodis, producer ng movie, kung kelan ang showing nito, 2017 daw. Maambisyon kasing movie ito na musical ang dating. Nauna niyang sinabi na nitong September sana. Pero hindi rin natuloy.
   
So sa paglabas ng trailer, wala na itong urungan, huh! Matagal-tagal na rin kasing walang napapanood na musical movie.

* * *

MALIGAYANG Pasko sa inyong lahat!
   
O, tapos na ang Christmas rush! Mababawasan na ang tindi ng traffic dahil bago ang New Year ang dagsa ng tao para mamili.
   
Sa totoo lang, naglabasan ang mga sari-saring post sa Facebook na nakakatuwa rin.
   
May nag-post na netizen na nagpunta sa malayong probinsiya. Aanib na rin raw siya sa isang grupo ng rebelde dahil hindi na masikmura ang sistema sa bansa. Pero buwelta niya, sa January ay babalik din siya.
   
Eh, may joke din tungkol sa tinatawag na angpao na lagayan ng datung ng mga Chinese bilang pampa-good luck. Sa halip na puting envelop ang ipamigay, ito ngang angpao.
   
Tinumbasan nga ng  ilang baliw na netizens ang Chinese angpao ng Pinoy ampaw na ang kahulugan ay walang laman!
   
Naku, kayong walang magawa talaga! Magsimba at magpasalamat sa biyayang natanggap sa buong taon!