5,010 guests

Kaganapan sa AlDub serye taping, tinatago

  • Written by Jun Nardo
  • Published in Showbiz
  • Read: 619

Aktor na may ibang pinupormahan, sinasakyan ang pagreto sa baguhang artista

TINATAGO pa ang ilang kaganapan sa first taping day ng GMA primetime series nina Alden Richards at Maine Mendoza na Destined to be Yours. 

Maging ang AlDub Nation, eh, walang posts sa kanilang social media account.

Lumitaw lang sa isang post ang artistang makakasama ng loveteam.
   
Sa pamilya ni Maine, kasama niya sina Janice de Belen at Gardo Versoza habang gaganap namang best friend niya si Sheena Halili.
   
Sa parte ni Alden, kasama niya sina Lotlot de Leon, Ina Feleo at Boots Anson-Rodrigo. Ka-love triangle naman nina Alden at Meng si Koreen Medina.
   
May nagkomento namang kasama rin sa cast si Juancho Trivino. Third party ang role niya sa character ni Maine.
   
Intriguing nga lang kung ano ang time slot ng DTBY.  Isa rin kasi ang My Love from the Star ni Jennylyn Mercado sa mga isasalang ng GMA sa first quarter ng 2017.
   
Then, wholesome rin ang programa ni Barbie Forteza na Meant to Be.

* * *

SINASAKYAN lang daw ng isang aktor ang pagreto sa kanya ng baguhang artista na kasama niya sa isang programa.
   
Sumakay naman ang tao sa lambingan nila’t nakabuo sila ng ilang hukbo ng followers.
   
’Yun nga lang, may ibang pinupormahan daw ang aktor, huh! Hindi naman daw niya tipelya ang baguhang aktres na inirereto sa kanya.
   
Hangga’t hindi pa niya girlfriend ang pinupormahan,  ini-enjoy na lang ng aktor ang tuksuhan nila ng aktres sa social media for the sake of the fans.

* * *

GIBA ang planong holiday vacation ni Vhong Navarro. Sa January 4 na kasi ang showing ng movie niyang Mang Kepweng Returns kaya kailangan niyang mag-promote ng pelikula.
   
Hindi na rin kasi puwedeng ipagpaliban ng producers ang showing ng movie dahil baka mabantilawan ito.
   
Lalo na nga’t kailangang ipakilala ng host-actor-comedian ang character ni “Mang Kepweng” na hindi na kilala ng millennials, huh!
   
Buti na lang at kapareha niya si Kim Domingo na sikat sa millennials for obvious reasons.

* * *

MAS pinili ni Kris Aquino na samahan ang mga anak na sina Joshua at Bimby sa panonood ng Rogue One sa isang sinehan sa San Francisco kesa manatili sa hotel dahil the next day ay may doctor’s appointment siya.
   
“I chose to make them happy,” caption sa picture ni Kris sa kanyang Instagram account na lumabas kahapon.
   
Request daw kasi ni Bimb na manood ng foreign film, so, bilang ina, inuna muna niya ang lambing ng anak dahil ang resulta lang naman niya sa tests ang hihintayin.