5,100 guests

Anne at Erwan engaged na!

  • Written by Vinia Vivar
  • Published in Showbiz
  • Read: 551

Kumalat agad sa showbiz ang video na ipinost sa YouTube ng long-time boyfriend ni Anne Curtis na si Erwan Heussaff kahapon ng madaling-araw na naglalaman ng kanilang travel diary ng recent trip nila sa USA. May titulo itong Going Around New York City and Connecticut (Best Trip Ever).

What makes the video more memorable and more noteworthy ay ang latter part kung saan ay maki-kitang tila nag-propose si Erwan kay Anne habang nasa itaas sila ng bundok.
   
Sa nasabing parte ng video ay nakaluhod si Erwan  sa harap ni Anne at may hawak siyang small box na tila naglalaman ng singsing habang ang aktres naman ay parang umiiyak.
   
Mahina lang ang boses ni Erwan kaya hindi marinig sa video at ang narinig lang ay ang pagsasabi ni Anne ng “yes” at doon na natapos ang 6 minutes and 25 seconds na video.
   
Of course, ang dating ng video ay nag-propose na si Erwan kay Anne at sinagot naman ng aktres ng “yes” so, engaged na sila ngayon.
   
Matatandaang lumipad sa US si Anne at restaurateur/blogger boyfriend last November kung saan ay sumali ang aktres/TV host sa marathon in New York.
   
Bagama’t hindi pa kino-confirm ng dalawa ang kanilang engagement, netizens are happy for  them at marami na ang nag-congratulate sa kanila.
   
Do we hear wedding bells soon?

* * *

Kahapon ay nagkaroon ng grand presscon ang pelikulang Extra Service ng Star Cinema na pinagbibidahan ng tatlong Kapamilya hottest female stars na sina Arci Muñoz, Coleen Garcia and Jessy Mendiola.
   
The movie is the opening salvo of Star Cinema for 2017 kaya naman masayang-masaya ang tatlong girls pati na ang leading men na sina Enzo Pineda, Vin Abrenica at Ejay Falcon, gayundin ang direktor na si Chris Martinez.
   
Nakatsikahan namin si Coleen after the Q&A forum at isa sa natanong sa kanya ay kung kelan naman sila mae-engage ni Billy Crawford since kalat na kalat nga kahapon na engaged na si Anne na dati niyang kasama sa It’s Showtime.
   
“Napag-uusapan namin, pero I don’t know. Siguro, pag nangyari, hindi namin ia-announce muna, ie-enjoy muna namin,” she said.
   
Ngayong Pasko ay sa Spain daw sila magsi-ce-lebrate ni Billy kasama ang kanyang buong family. Ito na rin daw ang Christmas gift niya sa boyfriend at sa sarili na rin.
   
“Ilibre ko siya sa Spain,” say ni Coleen na napa-tawa. “Kasi, kasama ko ang buong family ko, si-yempre, gusto ko ring makasama si Billy. So, ayun, sasama siya sa amin sa Spain.”
   
Why Spain?
   
“My family is from Spain, so bibisitahin ko ’yung mga relative ko, tapos, first time ko rin pumunta, so makikilala ko ’yung family ko.”
   
Aalis sila ng Dec. 21 at babalik daw siya ng Jan. 11 para sa opening day ng Extra Service.