5,671 guests

Alden, John Lloyd at Bea, nagkaharap!

  • Written by Nitz Miralles
  • Published in Showbiz
  • Read: 667

Hit sa netizens ang picture ng Kapamilya stars na sina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo kasama ang Kapuso star na si Alden Richards. Sa Christmas party ng StyleList, Inc., nagkita-kita ang tatlo at dama ang tuwa ni Alden dahil idol niya si John Lloyd. 

Tiyak na ilang pelikula nina John Lloyd at Bea ang napanood ni Alden kaya double treat sa kanya na sabay makita ang dalawa. Dahil sa kumalat na picture, marami ang nagwi-wish na sana gumawa ng pelikula ang tatlo. Kaya lang, paano? 

Nakuha namin ang picture nina JLC, Bea at Alden sa video na pinost ng @stylelistinc at na-share ng fans ng tatlo kaya mabilis kumalat.

* * *

Si Yasmien Kurdi pala ang nag-introduce kina Rich Asuncion at BF nitong si Benj Mudie. Kuwento ni Yasmien sa taping ng Sa Piling Ni Nanay, kapitbahay niya sa isang condo sa The Fort si Benj, nakita niyang guwapo at hunk. Kinuwento niya sa mister niyang si Rey Soldevilla Jr., kinaibigan nila ito at saka ipinakilala kay Rich. Boyfriend na ni Rich si Benj at ’pag ikinasal ang dalawa, tiyak na kasama sa entourage sina Yasmien at ang husband nito.
   
Speaking of Yasmien, masaya ang buhay nito sa piling ni Rey at anak nilang si Ayesha at maganda ang takbo ng career sa GMA-7. Si Rey na rin ang nagma-manage ng career niya at nagsimula sa Sa Piling Ni Nanay ang actress-manager relationship nila.
   
First time nakatrabaho ni Yasmien si Gabby Eigenmann dito sa Sa Piling... as the father of her daughter played by Jillian Ward. Tsika ni Yasmien, sa first taping day, nailang siya sa aktor dahil hindi niya alam ang ugali nito kaya tahimik lang siya. “Friends na kami ngayon at nakukulitan na siya sa akin,” sabi ni Yasmien.
   
Magtatapos sa January 2017 ang Sa Piling...

* * *

Natutuwa kami ’pag sumasagot si Lovi Poe sa bashers dahil hindi niya inaway ang basher. May paraan siya para soplahin ang mga nagmamarunong. Gaya na lang sa isang basher ng aktres na nag-comment na walang interesado sa post ni Lovi na “Just a few more days before Christmas.” May nag-comment na walang interesado sa post ni Lovi dahil walang nag-comment.
   
Sagot ni Lovi, “Yet you’re here. Merry Christmas to you and praying for less negativity in your life.” Napahiya yata ang basher dahil hindi na sumagot.
   
Hindi nasira ng basher ang happy mood ni Lovi dahil nandito ang boyfriend na yata nitong Fil-French na si Chris Johnson.  Ang hilig kasing mangialam ng iba, kung ayaw sa celebrity, bakit pa pina-follow?
   
Anyway, habang papalapit ang ending ng Someone To Watch Over Me, lalong tumitindi ang mga eksena. Awang-awa na ang viewers kay Joana (Lovi) dahil tuluyan na siyang nakalimutan ni TJ (Tom Rodriguez). Gugulo pa ang story sa pagpasok ni Mikael Daez na magpapakilalang asawa ni Irene (Max Collins) na ang nasa isip ni TJ ay asawa niya.

* * *

Nakakatuwa si Benjamin Alves dahil nagpaka-fan boy nang makita si Gabby Concepcion sa Christmas Party ng GMA Network. Idolo pala nito si Gabby kaya sobrang happy nang makapagpa-picture sa lead actor ng Ika-6 Na Utos. Pinost nito sa Instagram (IG) ang picture nilang dalawa at sa caption, feel na masaya siya.
   
“Tito was all smiles and full of energy for each Kapuso wanting a photo with him, which was nearly everyone including me. I’m excited to reprise your role in Pinulot Ka Lang Sa Lupa. I hope you’ll be happy on how I take on Ephraim Esquivel!
 
Si Benjamin ang gaganap sa role ni Gabby sa TV version ng Pinulot... na airing sa GMA-7 early next year. Kasama rito sina LJ Reyes, Julie Anne San Jose at Martin del Rosario sa direction ni Gina Alajar.

* * *

Kaya gusto ng viewers ang Alyas Robin Hood dahil pinagsama-sama ang action, sexy scenes, drama at kilig. Comment ng viewers, hindi nakakasawang panoorin ang action series na pinagbibidahan ni Dingdong Dantes.
   
Last Friday, ang kilig scene nina Pepe (Dingdong) at Sarri (Megan Young) at action scenes ni Venus (Andrea Torres). This Monday, tuloy ang action scenes dahil reresbak si Pepe sa mga dumukot kay Venus.