4,599 guests

Ogie, papayagang mag-artista ang panganay na anak kay Michelle

  • Written by NEL ALEJANDRINO
  • Published in Showbiz
  • Read: 453

BUSY as a bee, since she’s promoting both her Metro Manila Filmfest (MMFF) 2016 entry Vince & Kath & James, and her upcoming series A Love To Last, young actress Julia Barretto swears loveless siya. At wala daw siyang balak kahit ang mag-entertain man ng manliligaw. 

Kaya appreciated niya raw na it’s just work, kumbaga, and no play for her and her co-stars na sina Joshua Garcia at Ronnie Alonte in Vince & Kath & James.
   
Julia confessed, though, na nakadama siya ng kilig when in one scene nila ni Ronnie, supposedly naka-lean ito sa kotseng dala niya at waring inaakit siya.
   
“Dressed to kill siya at ang pogi,” ani Julia.
   
Vince & Kath & James directed by Ted Borobol and produced by Star Cinema, is a romantic comedy based sa supposed online na pag-iibigan na naging viral.
   
Of Joshua, who openly admits she has a crush on Julia but then no intention of courting her yet, Julia said: “He’s a lovable. At magaling siyang artista.
   
“Tulad ng prediction ng karamihan sa showbiz, he might end up as another John Lloyd Cruz.
   
Meanwhile, in the series A Love To Last, Julia and Ronnie are cast with Bea Alonzo, Ian Veneracion at Iza Calzado. Direction: Jerry Sineneng at Richard Arellano.

* * *

Papayagan ni Ogie Alcasid ang panganay niyang si Leila sa dating asawang beauty queen na si Michelle Van Eimeren na mag-artista should the girl really decides to pursue a showbiz career.
   
Starting next year, dito na raw sa Pilipinas maninirahan ang dalagita (she’s 17), kasama nila ang asawang si Regine Velasquez at five-year-old na anak na si Nate.
   
For the last few years, Leila, together with her younger sister, lived with her mom and stepdad Mark Morrow, in Australia.
   
Twice a year kung dalawin niya ang dalawang anak kay Michelle at sa tuwina’y kasama niya si Regine.
   
Kaya, close daw ang dalawang bata kay Regine at kina Michelle at Mark din. Pati na rin si Nate.

* * *

Right now, as we all know, Ogie is back as a Kapamilya.
   
Starting January next year, mapapanood si Ogie bilang co-judge nina Sharon Cuneta at Gary Valenciano ng programang Your Face Sounds Familiar: Kids.    
   
Billy Crawford hosts the show.
   
Lately, too, Ogie has been tasked to be one of the judges ng Tawag Ng Tanghalan ng It’s Showtime.
   
Prior to his return as an ABS-CBN talent, Ogie was under contract to TV5.