4,977 guests

Bigwas ni Senator Alan Peter kay VP Leni

  • Written by Allan Encarnacion
  • Published in Opinion
  • Read: 383

ANG kaibahan nina former Justice secretary Leila de Lima at incumbent Justice Secretary Vit Aguirre ay ang pagiging disente.

Genuine disente ni Aguirre, hindi peke tulad ng mga propaganda ng pangkat ni De Lima.
   
Noong aalis si Congresswoman Gloria para magpagamot sa Singapore, hinarang siya ni De Lima sa airport mismo.
   
Ginamit ang lahat ng impluwensiya para hindi makapagpagamot ang dating Pangulo.
   
Ngayong si Leila ang aalis para magpunta sa Amerika at Germany na tatanggap lang naman ng award, pinayagan siya ng DoJ at ipinagtatanggol pa na wala pang kasong naisasampa laban sa kanya.
   
Noong si Leila ang nasa DoJ, kahit anong oras, kaya nilang kunin ang bank documents sa Anti-Money Laundering Council kahit walang court order, kahit wala pang kaso ang kanilang inaakusahan.
   
Si Secretary Aguirre, kailangan pang sumulat at magmakaawa sa AMLC para kumuha ng bank records ng mga suspected protector ng drug syndicates.
   
Parehong opisina, parehong posisyon pero magkaiba ang karakter ng mga namuno sa DoJ.
   
Hindi kaya nahihiya ang mga madidilaw ang mukha?

* * *
   
Parang binigwasan ng mag-asawang sampal ni Senator Alan Peter Cayetano si VP Leni sa mga pinakawalan nitong hamon.
   
Binansagan ng kampo ni Leni si Alan Peter na “quietano” dahil sa hindi nito pagkibo nang ilibing sa Libingan ng mga Bayani si dating Pangulong Marcos.
   
Hinamon ni Leni si Cayetano na batikusin ang mga Marcos at kondenahin ang desisyon ng Pangulong Rody pabor sa paglilibing kay FM.
   
Pero nang sumagot si Alan Peter, parang naupos na kandila ang VP camp.
   
Hinamon ni Cayetano si Leni na sumigaw ng katarungan sa pagmasaker sa SAF44, pagbitiwin sa puwesto at ipakulong ang mga taga-Liberal Party na sangkot sa illegal drugs, sumigaw ng katarungan sa mga biktima ng tanim-bala sa ilalim mg Aquino administration, ipabusisi ang mga katiwalian sa MRT na naging talamak sa panahon ng isa pang LP leader na si Emilio Aguinaldo Abaya, ipasagot sa mga taga-LP kung bakit sa kabila ng mataas na singil sa terminal fees ay hindi man lang nalagyan ng working CCTV ang mga airport.
   
Ang problema, nahawa na rin ng pagiging makapal ang mukha si Leni. Sa mga hamon na ito ni Cayetano, sa tingin ko, kung manipis-nipis lang ang mapagsasabihan nito, baka nagharakiri na.
   
Pinag-iinitan ni Leni ang bangkay ni Marcos gayong sangkatutak ang skeleton in the closet ng kanyang LP.
   
Madame VP, huwag ka munang magdiwang sa assurance ni Pangulong Digong na mananatili ka sa iyong posisyon hanggang sa ending ng iyong term dahil wala naman sa Palasyo ang desisyon.
   
Ang abangan mo ay ang desisyon ng Presidential Electoral Tribunal na siyang bumubusisi ng maniobrahan ng mga malilikot ang kamay sa PCOS machines.
   
Sino naman ang maniniwala na sa isang kisap-mata ay mauubos ang 1.3 million na kalamangan ni Bongbong?
   
Natulog lang kami, iba na ang resulta. Hindi ba’t dito angkop ang katagang “like a thief in the night?”

This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.